Day 79 & 80

41 4 0
                                    

Day 79

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo. 

Santiago 4:10 MBB05



English:

Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up.

James 4:10 NIV



*****

May mga tao na naghahangad na makilala o maitaas ang kanyang sarili. Gustong makakuha ng respeto at paggalang ng lahat. Kaya't itinataas ng taong ito ang kanyang sarili sa kanyang sariling paraan.

Ngunit hindi ito ang ninanais ng Diyos na gawin natin. Ang pagpapakumbaba sa harap ng ating Panginoon ang hangad niya na ating gawin. Sapagkat ang ating Panginoon ang Siyang nakakakita at nakakaalam ng nilalaman ng puso't isipan ng bawat isa sa atin.

Kanyang itaas ang lahat ng mga nagpapakumbaba at Kanyang ibinabagsak ang mga nagmamataas. Dahil ang pagpapakumbaba ay hindi isang kaduwagan ng isang tao bagkus ito ay nagpapakita ng katatagan, kahinahunan, at malawak na pang-unawa, pagrespeto o paggalang sa ating Kapwa. At ito ang lubos na kinalulugdan ng ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day79 ❤

#ToGodBeTheGlory

#KeepUsSafe


===============================


Day 80

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh. 

Mga Bilang 6:24‭-‬26 MBB05



English:

24 "'"The Lord bless you and keep you;

25 the Lord make his face shine on you

and be gracious to you;


26 the Lord turn his face toward you

and give you peace."'


Numbers 6:24-26 NIV



*****

Maging panalangin at kahilingan nawa natin sa ating Panginoon ang mga pagpapala, pag-iingat at paggabay sa ating mga sarili, sa ating mga mahal sa buhay at maging sa ating mga kapwa. Sapagkat ang bawat pagpapala at biyaya ay mula sa ating Panginoon.

Kaya't makamtan natin nawa mula sa ating Panginoong Hesus ang Kanyang pag-iingat, at paggabay. Kahabagan at kalingapin nawa tayo Niya at ang kapayapaan mula sa Kanya ay ating makamtan. Upang sagayon ay maging daluyan nawa tayo ng pagpapala para sa isa't-isa. 

 #GodBlessUs😇❤

#day80 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now