Day 77 & 78

49 3 3
                                    

Day 77

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. 

Mga Taga-Colosas 3:23‭-‬24 MBB05



English:

Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters,

Colossians 3:23 NIV



*****

Ano man ang ating mga ginagawa, anuman ang ating mga katatayuan, tanging ang Panginoong Diyos lamang ang Siyang makapanghuhusga o makapanghahatol ayon sa ating mga ginawa. Kaya't anuman ang ating mga ginagawa naghahanapbuhay man o maging mga mag-aaral, gawin natin ito ng buong puso sa ikakarangal ng ating Panginoon.

Ating isa isip at isa puso na ang ating pinaglilingkuran ay ang ating Panginoon. Kapag tayo ay sa tao tumingin hindi natin makakamtan ang lubos na kaligayahan sa ating ginagawa ngunit kung tayo ay sa Panginoon titingin, mahirap man ang ating ginagawa ay nagiging magaan.

Sapagkat ang pamumuhay para sa Panginoon ay nagkakaroon ng matibay na ugnayan sa ating mga sarili, sa ating mga pamilya, kaibigan at sa mga katrabaho, kaeskwela at iba pa. Ang ating Panginoon ay hindi nagpapabaya kanyang nakikita ang lahat ng ating ginagawa. May gantimpalang kaloob ang Diyos sa bawat isa sa atin na naglilingkod sa Kanya at hindi sa tao. 

 #GodBlessUs😇❤ 

 #day77 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

==============================

Day 78

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

1 Timoteo 6:18‭-‬19 MBB05



English:

18 Command them to do good, to be rich in good deeds, and to be generous and willing to share. 19 In this way they will lay up treasure for themselves as a firm foundation for the coming age, so that they may take hold of the life that is truly life.

1 Timothy 6:18-19 NIV



*****

Kung ating nanaisin ay magagawa natin ang mga ito. Hindi mahirap magbigay o maging bukas-palad kung atin itong buong pusong gagawin na walang hinihinging kapalit. Sapagkat hindi lamang sa salapi ang basehan ng pagtulong sa ating kapwa.

Maraming mga paraan kung ating nanaisin lamang.Ang mga ito ang ninanais ng Diyos na ating gawin na mga anak Niya. Ang pagpapayaman sa mga mabubuting gawa ay pag-iimpok ng mga kayamanang makalangit at makakamtan natin ang tunay na kahulugan ng buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day78 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now