Day 3 & 4

370 14 2
                                    

Day 3 

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. 

Kawikaan 3:5-6 ASND 




English:

5 Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; 6 in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.

Proverbs 3:5-6 NIV




 ***** 

Sa panibagong taon na ito, ating ipagkatiwala ng buong puso sa ating Pnaginoon ang lahat ng ating mga pangarap o pinaplano natin sa ating buhay. Batid Niya kung ang mga ninanais natin ay nakabubuti o nakasasama sa atin dahil Siya ang higit na nakakaalam ng ating mga ikabubuti. 

Huwag nating pagkatiwalaan ang sarili lamang nating mga kaalaman sapagkat ito rin ang magdadala sa atin sa kaphamakan. Bagkus ay ating isangguni o isaalang-alang ang mga ninanais natin sa ating Panginoon kung ito ba ay ayon sa ating ikabubuti o maging ito ba ay ayon sa Kanyang kalooban.

Sa Kanya ay huwag tayong mag-alinlangan bagkus atin Siyang pagkatiwalaan at kahit kailan ay hinding hindi Niya tayo bibiguin. Sagayon ay ituturo Niya sa atin ang tamang landas upang hindi tayo maligaw o madaya't malinlang ng mundong ito.

#GodBlessUs 😇❤ #day3 ❤#toGodbetheglory#KeepUsSafe

=====================================

Day 4

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. 

Mga Taga-Efeso 4:22-24 Ang Dating Biblia 



English:

22 You were taught, with regard to your former way of life, to put off your old self, which is being corrupted by its deceitful desires; 23 to be made new in the attitude of your minds; 24 and to put on the new self, created to be like God in true righteousness and holiness.

Ephesians 4:22-24 NIV


 *** 


Gawin natin ang mga makakatulong sa atin upang lumago sa ating pamumuhay at pananampalataya. Iwanan na natin ang dati nating mga pamumuhay na malayo sa ating Panginoon. Pamumuhay na nag-uudyok sa atin ng mga maling pagnanasa na nagdududlot sa atin ng kapahamakan.

Bagkus buksan at liwanagin natin ang ating puso't isipan at magbago na tayo ng diwa't kaisipan, ayon sa Kanyang katuwiran at kabanalan. 

 #GodBlessUs #day4#toGodbetheglory#KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now