Day 227 & 228

26 1 0
                                    

Day 227

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. 

Ang Mangangaral 3:15 MBB05 



English:

What is happening now has happened before, and what will happen in the future has happened before, because God makes the same things happen over and over again.

Ecclesiastes 3:15 NLT


*********

Kung inaakala nating hindi pa nangyayari ang mga pangyayaring nararanasan natin ngayon, maging ito man ay personal o pangbuong mundo tayo ay nagkakamali. Inilalarawan nito ang lawak at lalim ng soberanya ng Panginoong Diyos ayon sa paglipas ng panahon at mga pangyayari sa ating buhay. Ito ay nangangahulugan lamang na ang oras ay hindi maaring masira ng bahagi. Ang oras at nga kaganapang nangyayari at maging sa ating sarili ay isang buo. Katulad ng mahalagang sinasabi ni Haring Solomon, "Ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay magkakasama." 

Ang Panginoong Diyos lamang ang Siyang may kontrol, at gumagawa Siya ng positibong paggamit ng kasaysayan na paulit-ulit para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Upang ating mapatunayan na sa kabila ng pabago bagong panahon Siya pa rin ang Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat ang hindi nagbabago kailanman. Ninanais ng Diyos na ang lahat ng mga pangyayaring ito ang siyang makapaglalapit lalo sa Kanya. 

Walang hindi Siya ninanais sa bawat isa sa atin kundi ang lahat ng ating mga ikabubuti. Kaya't sahalip na takot at pangamba ang siyang bumalot sa atin bakit hindi ang pagkatiwalaan natin ang Panginoong Diyos? Sapagkat sa Diyos lamang tayo may katiyakang lubos na mabuhay ng puno ng pag-asa, ligaya at kapayapaan sa buhay natin dito sa mundong ito.

#GodBlessUs😇❤

#day227 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===================================


Day 228

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

Santiago 1:12 MBB05



English:

Blessed is the one who perseveres under trial because, having stood the test, that person will receive the crown of life that the Lord has promised to those who love him.

James 1:12 NIV





*********

Higit na mapalad ang mga taong nanatiling tapat sa ating Panginoon sa kabila ng iba't-ibang mga pagsubok na kanyang kinakaharap. Wala siyang ibang inaasahan at kinakapitan kundi ang mga mayayamang salita at pangako ng Diyos. Sa kabila ng pagsubok buong puso siyang nagtitiwala at nagtatapat gayundin naman ay iniibig niyang lubos ang Panginoong Diyos. 

Katulad nga ng istorya ng buhay ni Job, siya'y isang matapat na lingkod ng Diyos. Ngunit sa kabila ng pagiging tapat ay pinahintulutan ng Diyos na siya ay subukin kung hanggang saan ang Kanyang pananampalataya. Ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob bagkus sinabi niya: 

Ang sagot ni Job, "Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?" Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos. 

Job 2:10 


 Kaya't tulad ni Job magpatuloy tayo sa pagiging tapat sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Sapagkat ang pagsubok ay isang pagpapala na kung ating malalampasan sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagiging tapat sa Diyos hanggang dulo, pagkakalooban tayo ng Diyos ng gantimpalang hindi lamang sa ating sarili kundi maging sa ating sali't-salinlahi. Pagpapalain Niya tayong lubos hanggang sa kabilang buhay.

Katulad ng pagpapalang nakamit ni Job mula sa ating Panginoon ng Kanyang malampasan ang mga pagsubok na kanyang dinanas: 

"Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job. Lahat ng kapatid nito, mga kamag-anak at kakilala ay dumalaw sa kanya at nagsalu-salo sila. Bawat isa'y nakiramay sa nangyari sa kanya at nagbigay ng salapi at singsing na ginto. Ang mga huling araw ni Job ay higit na pinagpala ni Yahweh. Binigyan niya ito ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, dalawang libong baka at sanlibong inahing asno. Nagkaroon pa si Job ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. Ang pangalan ng mga babae ay Jemima, Kezia at Keren-hapuc. Ang mga anak na babae ni Job ang pinakamaganda sa buong lupain. Pinamanahan din niya ang mga ito, tulad ng mga anak na lalaki. Si Job ay nabuhay pa nang sandaan at apatnapung taon. Inabutan pa siya ng kanyang mga apo sa ikaapat na salinlahi. Matandang-matanda na siya nang mamatay." 

Job 42:10‭-‬17 MBB05 


#GodBlessUs😇❤

#day228 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now