Day 219 &220

29 3 0
                                    

Day 219

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot, sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok. 

Mga Hebreo 12:28‭-‬29 MBB05




English:

Therefore, since we are receiving a kingdom that cannot be shaken, let us be thankful, and so worship God acceptably with reverence and awe, for our "God is a consuming fire."

Hebrews 12:28-29 NIV




********

Lagi tayong magpasalamat at mapuri sa ating Panginoon. Dakilain natin Siya at marapat lamang na ating maipagkaloob sa ating Diyos ang karapat-dapat at kalugod-lugod na pagsamba sa Kanya. Sapagkat Siya ay banal, tapat at dakila kailanman. Siya ang nagkaloob sa atin ng buhay na walang hanggan at kahariang di mayayanig kailanman.

#GodBlessUs😇❤

#day219 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 220

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw. 

Mga Taga-Roma 8:18 MBB05




English:

I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will be revealed in us.

Romans 8:18 NIV




********

Hindi kayang ihambing o ikumpara ng kahit ano pa mang bagay na kayang ibigay ng mudong ito ang kaluwalhatiang kaloob ng Diyos na mahahayag sa atin ayon sa Kanyang takdang kalooban. Iba't-iba man ang mga kinakaharap nating sitwasyon sa buhay, may mga kinakaharap man tayong pandemya o maging mga personal na pagsubok at delubyo, maging karamdaman, kasawian, kalungkutan at marami pang iba.

Makakaasa tayong ang lahat ng mga ito ay Kanyang papawiin at papalitan Niya ng kasiyahan, katagumpayan, kaluwalhatian at kapayapaan. Kung tayo ay magiging tapat, matibay hanggang dulo at nagtitiwalang lubusan at walang pag-aalinlangan sa mayayamang pangako ng Diyos sa bawat isa sa atin. Gayundin ay kung ating Kikilalanin at tatanggapin natin ang ating Panginoong Hesus bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas, buhay na walang hanggang ay may katiyakang makakamit mula sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day220 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now