Day 297 & Day 298

25 0 0
                                    

Day 297

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan. 

Mga Awit 42:5 MBB05




English:

Why, my soul, are you downcast?
Why so disturbed within me?
Put your hope in God,
for I will yet praise him,
my Savior and my God.

Psalm 42:11 NIV



************

Bakit nga ba tayo manlulumo? Bakit nga ba tauo magdaramdam? Kung nasa ating Panginoon ang ating pagtitiwala? Normal lamang sa ating mga tao na makaramdam ng lungkot, takot, hinagpis o panlulumo ngunit ang magpabalot dito ay isang kahinaan at walang kabuluhan. 

Kung sa ating Panginoon natin ipagkakatiwala ang lahat-lahat sa ating buhay anuman ang ating mapagdaan, gaano man kahirap, kasakit at kahinagpis ay hindi matitinag sapagkat alam natin na mayroong Diyos na handa tayong tulungan. Tanging Siya lamang ang tunay nating maasahan, malalapitan at masasanggalang sapagkat Siya ang Diyos na makapangyarihan, tagapaglitas at mapagkakatiwalaang tunay.

Sa piling Niya ay may pag-asa tayong makakamtan. Kahit gaano pa kadilim ang mga tinatahak nating landas ay kaya Niyang pagliwanagin ang ating buhay. Upang sagayon ay makakapagpuri tayo sa Kanya at maitataas natin ang Kanyang pangalan upang ating maidakila. Marapat lamang sapagkat Siya ang Diyos na buhay, tagapagligtas at makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤

#day297 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=================================


Day 298

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos, tulad ng ginagawa ninyo ngayon." 

1 Mga Hari 8:61 MBB05




English:

And may your hearts be fully committed to the Lord our God, to live by his decrees and obey his commands, as at this time."

1 Kings 8:61



************

Ang mga nanatili at nagtatapat sa ating Panginoon ay makakaasang may kanlungan at tanggulan sa lahat ng panahon. Hindi Siya maliligaw ng landas at ang pagpapala Niya ay ibubuhos Niyang lubos. Ikinagagalak at ikinalulugod ng Diyos ang mga anak Niyang sa Kanya'y umaasang lubos, sumusunod sa Kanyang mga ipinag-uutos, at walang ibang pinananaligan kundi ang Panginoon lamang.

Kaya't kung tayo man ay mga nakakilala na, at mga tumanggap na sa ating Panginoong Hesus ay huwag na tayong umalis o lumayo pa sa Kanya. Ating isapamuhay ang mga aral at utos Niya upang para rin naman sa ating mga ikabubutin. Magpatuloy tayo sa pananampalataya natin sa Kanya at sundin parati ang mga utos at kalooban ng ating Panginoon Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day298 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now