Day 253 & 254

29 1 0
                                    

Day 253

Tagalog:

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Tagalog:

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

Mga Taga-Efeso 2:8‭-‬9 MBB05



English:

8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9 not by works, so that no one can boast.

Ephesians 2:8-9 NIV



**********

Lahat ng ating kaligtasang nakakamit ay mula sa masaganang kaloob na biyaya sa atin ng Diyos. Pinagkakalooban Niya ng kaligtasan ang lahat ng mga nagtitiwala sa Kanya ng lubusan. Kahit kailan ay wala sinuman sa atin ang makapagliligtas sa ating mga buhay. Kaya't wala sinuman sa atin ang may karapatan na magmalaki at akuin ang pagligtas sa ating mga kasalanan.

Kung inaakala ninuman na Siya ay naligtas sa sarili Niyang pagsisikap, dinadaya niya ang kanyang sarili. Walang ibang nagkakaloob ng kaligtasan kundi ang ating Panginoon lamang. Inialay Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus upang Siya ang magbayad ng kasalanan ng bawat isa sa atin.

Tayo ay Kanyang tinubos sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiwala natin sa ating Panginoong at tanggapin Siya bilang isa Diyos na makapangyarihan sa lahat.Ito ay kagandahang-loob na biyaya at regalo sa atin ng Diyos ng sagayon ay magkaroon tayo ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Kaya't wala tayong karapatan na magmalaki o ipagyabang ang kaligtasan ng buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day253 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepussafealways


======================================


Day 254

Tagalog:

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Tagalog:

Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan; ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam. 

1 Mga Cronica 16:8 MBB05



English:

Give praise to the Lord, proclaim his name;
make known among the nations what he has done.

1 Chronicles 16:8




*********

Marapat lamang na pasalamatan at papurihan natin ang ating Panginoon. Mga pagkilos at gawa Niya sa buhay natin ay tunay ngang kahanga-hanga. Hindi natin kayang bilangin ang mga biyaya at pagpapala Niya sa bawat isa sa atin. Sa kabila ng kahirapan at kakulangan sa pamumuhay ngunit kahit kailanman ay hindi Siya nagpabaya. Siya'y dakilain at kilalanin bilang isang Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat.

Makita nawa natin ang patotoo sa ating buhay ang pagkilos Niya sa ating buhay. Ipagmalaki at ipahayag natin ang mga kahanga-hangang gawa Niya sa buhay ng bawat isa sa atin. 

#GodBlessUs😇❤

#day254 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن