Day 275 & 276

29 0 0
                                    

Day 275

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. 

Lucas 6:35 MBB05




English:

But love your enemies, do good to them, and lend to them without expecting to get anything back. Then your reward will be great, and you will be children of the Most High, because he is kind to the ungrateful and wicked.

Luke 6:35 NIV






*********

Mahirap para sa ating mga tao ang magpatawad at mahalin ang ating mga kaaway lalo pa't nakagawa ito sa atin ng masama. Sa panahon natin ngayon kung sino pa ang nakagawa ng mali o kasalanan ay sila pa ang taas noo at hindi nagpapakumbaba para humingi ng tawad. Kaya't mahirap sa ating sarili ang tingnan sila ng tuwid kahit sila pa ang tunay na may kasalanan at nakagawa ng mali sapagkat ang puso natin ay nababalutan ng galit at inis.

Ngunit sa bandang huli ang pagtatanim ba ng sama ng loob at galit ay makapagpapagaan ng ating kalooban upang makapamuhay ng matiwasay? Ang paghihiganti at pagganti ba ng masama sa masama ay nakapagdudulot ba ng kapayapaan sa ating puso? Nabibigyan ba ng puot ang katiwasayan sa ating buhay? Magiging payapa at makabuluhan ba ang buhay natin kung tayo ay mababalot ng puot at galit sa ating kapwa?

Maging bukas nawa ang ating puso't isipan sa pagpapatawad at pagtanggap. Magpatuloy pa rin nawa ang paggawa natin ng mabuti sa ating kapwa kahit pa nga nagawan nila tayo ng masama sapagkat sa huli atin pa ring ipagsusulit sa ating Panginoon ang lahat ng ating mga ginawa dito sa lupa. Maging bukal sa ating puso ang pagpapatawad at mahalin sila ng buo.

Masarap sa pakiramdam at masarap sa buhay ang mabuhay ng walang kinikimkim na galit sa ating kapwa. Makakatingin ka at makakangiti sa kanila ng walang halong galit at totoong bukal sa loob. Gawan ka man niya ng masama ng paulit-ulit kung paulit-ulit mo ring siyang patatawarin na kahit hindi niya hinihingi sayo, ang Diyos na nakakakita ng lahat ang Siyang magpapala sayo. Kaya't magpatuloy pa rin tayo sa paggawa ng mabuti sapagkat sa huli tayo pa rin na nasa kabutihan ang siyang mananaig. Maaring maging daan din tayo ng pagbabago ng masasama kung kakikitaan tayo ng kabutihan.

#GodBlessUs😇❤

#day275 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===================================


Day 276

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta." 

Mateo 7:12 MBB05



English:

So in everything, do to others what you would have them do to you, for this sums up the Law and the Prophets.

Matthew 7: 12 NIV





**********

Ang buod ng lahat ng mga sinulat ng ating mga propeta ay ang pagiging mabuti sa ating kapwa sapagkat kung ano ang ating ginawa ayon din ang ating makukuha mula sa ating kapwa. Kaya't kung ano man ang ayaw nating mangyari sa ating sarili ay wag din natin itong gawin sa ating kapwa.

Ang pagiging mabuti sa isip, sa puso at sa gawa ang siyang lubos na kinalulugdan ng ating Panginoon. Ito ang isa sa pinaka ninanais ng Diyos na ating gawain. Maging mabuti tayo sa ating kapwa mabuti man o masama ang kanilang pakikitungo sa atin.

Huwag tayo magsawa sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa, lihim man ito o hayag. Ang Diyos naman na siyang nakakakita ng lahat ay lubos na nagagalak at maggagawad sa atin ng pagpapala.

#GodBlessUs😇❤

#day276 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now