Day 147 & 148

30 2 0
                                    

Day 147

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. 

Mga Awit 130:5 MBB05





English:

I wait for the Lord, my whole being waits, and in his word I put my hope.

Psalm 130:5 NIV



*******

Huwag tayong magsawa sa pakikipag-usap natin sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Marami man tayong mga hinihiling at hinihintay na tugon mula sa Diyos na hindi Niya pa naibibigay, ay huwag tayong manghiwa na maghintay sa Kanya. Maaring may mas magandang plano ang Diyos sa atin kaysa sa ating mga hinihiling.

Anuman ang kalooban ng Diyos sa ating buhay nawa'y kalooban Niya pa rin ang patuloy na masunod. Magpatuloy lamang tayo sa pagtitiwala sa mga pangako at tulong ng ating Panginoong Diyos at ipagkakaloob Niya naman ito ayon sa Kanyang kalooban, kung ito ba ay nakabubuti para sa atin.

Kung hindi man Niya tugunin ang ating mga kahilingan, nakakatitiyak akong may mas magandang kaloob at plano ang Diyos para sa atin. Hindi Niya tayo pababayaan bagkus ang pag-asa ay ating masusumpungan mula sa ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day147 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


==================================


Day 148

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 

Juan 14:6 MBB05




English:

Jesus answered, "I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.

Juan 14:6 NIV



******

Walang ibang daan tungo sa buhay na walang hanggan kundi sa pamamagitan lamang ng ating Panginoong Hesus. Dahil sa Kanyang sakripisyo upang akuin ang kasalanan nating lahat doon sa bundok ng kalbaryo. Ang Kanyang dugo ang Siyang dumanak upang maligtas ikaw at ako sa lahat ng ating mga kasalanan.

Si Hesus ang katotohan sa mundong ito kung atin lamang Siyang pananaligan at pagkakatiwalaan. Siya lamang ang tanging makapagliligtas at makapagpapatawad sa ating mga pagkakasala. Si Hesus lamang ang pag-asa at kagalakan ng ating buhay. Kaya't huwag na tayong mag-alinlangan pa, lumapit tayo at kilalanin ating Panginoong Hesus na Siyang daan, katotohanan at ang buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day148 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now