Day 161 & 162

26 1 0
                                    

Day 161

Tagalog:

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Tagalog:

Sapagka't aking bibigyang kasiyahan ang pagod na tao, at lahat na mapanglaw na tao ay aking pinasasaya. 

Jeremias 31:25 TLAB



English:

For I have given rest to the weary and joy to the sorrowing."

Jeremiah 31:25 NLT



  ****** 

Sa ating Panginoon natin hanapin ang kasiyahan at atin itong makakamtan. Sapagkat kung tayo man ay nasa sitwasyon ng kapaguran at kahirapan, makakaasa tayo na may kasiyahan sa piling Niya. Ang pagkapagod at pagkalugmok sa kalungkutan ay Kanyang papawiing ganap.

Binibigyan Niya ng kasiyahan at saya sa puso ang taong nakararanas nito. Kung atin lamang Siyang mapananaligan at pagkakatiwalaan na ipagkaloob sa Kanya ang lahat ng ating mga dinadala sa buhay. Mabuti man o masama ang ating sitwasyon, malungkot man o masaya, nasa dalamhati man o kagalakan makakaasang tayo ay bibigyan Niya ng kasiyahan sa ating puso at galak upang magpatuloy sa buhay.

Bibigyan ng Diyos ng pag-asa at liwanag sa kadiliman upang mapawi ang pagod at pagkapanglaw ng buhay ng mga anak Niya na nagtitiwala at umaasa lamang sa Kanya. 

 #GodBlessUs😇❤

#day161 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe


===============================


Day 162

Tagalog:

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Tagalog:

Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.

Mga Kawikaan 13:6 MBB05



English:

Godliness guards the path of the blameless,

but the evil are misled by sin.

Proverbs 13: 6 NIV




******

Isang magandang paalaala sa atin kung paano ang maging mabuti at tapat na tao sa harapan ng ating Panginoon sapagkat ito ang kinalulugdan ng Diyos na ating maisapamuhay. Tulad ng ating Panginoon tapat at matuwid kailanman. Ating mapanghahawakan at mapananaligan ang Kanyang mayayamang salita at panagako sa bawat isa sa atin.

Iniingatan ng taong matuwid ang kanyang katwiran. Pawang katotohanan at nagtatapat sa ating Panginoon. Hindi nandadaya o nagkukunwari sa harap ng tao at Diyos. Kaya't ang pag-iingat at paggabay ng Diyos ay laging sasa Kanya. Ngunit ang masama'y kapahamakan ang kahahantungan. Isang paalala na mabuksan ang ating puso't isipan at ang kabutihan ang siyang manaig sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day162 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz