Day 177 & 178

36 1 0
                                    

Day 177

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."

Mateo 6:34 MBB05




English:

"Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own."

Matthew 6:34 NIV



******

Iba't-iba ang sitwasyon natin sa buhay araw-araw, hindi pare-pareho ang mga pangyayari o kaganapan na ating mga kinakaharap. May araw na puno ng kasayahan, may araw din naman ng kalungkutan. Hindi laging OK at hindi din naman hindi OK ang mga sitwasyon natin sa buhay. Puno ng misteryo ang araw ng bukas!

Kaya't bakit kailangan nating ikabalisa ang araw ng bukas? Higit na mainam ang pagtugon at bigyan ng pansin ang araw ng ngayon kaysa ang alalahanin ang bukas na darating. Kung ating ipagkakatiwala ang bukas na darating sa ating Panginoon may katiyakan tayong sa bukas na darating ay may pag-asang dulot mula sa Kanya.

Sapagkat lahat naman tayo ay may kanya-kanyang suliranin sa buhay, iba-iba nga lang ang sitwasyon at pagtugon ang ating mga ginagawa. Kung inaakala natin na kaya nating solusyunan ng naayon sa ating sariling kalooban ay dinadaya natin ang ating mga sarili. Sapagkat hindi natin hawak o kontrolado ang mga pangyayari sa ating buhay. Kung ating iisiping mabuti ay wala talaga tayong magagawa.

Aminin man natin o hindi ay hindi talga natin kaya ng sarili lamang nating kalooban. Higit sa lahat ay ipagkatiwala natin ang lahat ng sitwasyon ng ating buhay sa ating Panginoon, sa Kanya ay may kapahingahang makakamtan, hindi Niya hahayaan na mabigatan tayo sa ating mga suliranin. Tinutulungan Niya tayong dalahin ang bigat ng ating sitwasyon upang dalahin natin ay magaan at sapat na sa araw-araw na ating dinadala.

#GodBlessUs😇❤

#day177 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


=====================================


Day 178

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya. 

Mga Awit 28:7 MBB05




English:

"The LORD is my strength and my shield; my heart trusts in him, and he helps me. My heart leaps for joy, and with my song I praise him."

Psalm 28:7 NIV



*******

Maraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa ating Panginoong Diyos. Siya ay lagi nating kasakasama, batid Niya ang mga nangyayari sa ating buhay. Kapag sa Kanya natin ipagkakatiwala ng buong puso at lubusan ang ating buhay, makakamtan natin ang presensya ng Diyos na Siyang magkakaloob sa ating ng kalakasan.

Laging nakasaklolo ang Diyos sa atin at handang tulungan sa lahat ng oras. Siya ang nagiging kalasag at lakas natin sa buhay. Binibigyan Niya tayo ng kaaliwan sa mga panahon ng kalungkutan at kasawian. Kaya't lagi tayong magpasalamat sa Kanya sa tuwi-twina sapagkat napakarami at hindi kayang sukat bilangin ang lahat ng mga dahilan na ginawa Niya sa buhay ng bawat isa sa atin. kayat nararapat lamang na ating Siyang pasalamatan at dakilain sa lahat ng oras.

#GodBlessUs😇❤

#day178 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now