Day 291 & 292

22 0 0
                                    

Day 291

Tagalog:

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Tagalog:

Habang nagsasalita pa si Jesus, may ilang taong dumating mula sa bahay ni Jairo. "Patay na po ang inyong anak. Huwag na po ninyong abalahin ang Guro," sabi nila. Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang mawalan ng pag-asa; manampalataya ka lamang." 

Marcos 5:35‭-‬36 MBB05



English:

35 While Jesus was still speaking, some people came from the house of Jairus, the synagogue leader. "Your daughter is dead," they said. "Why bother the teacher anymore?"

36 Overhearing[] what they said, Jesus told him, "Don't be afraid; just believe."

Mark 5:35-36 NIV



*********

Walang impossible sa mga tunay na nagtitiwala at nananalig sa ating Panginoong Hesus. Ang mga pangyayari na inaakala natin na wala ng pag-asa ay nabibigyan pa ng katugan ng ating Panginoon.

Katulad ng pangyayari sa buhay ni Jairo nung namatay ang kanyang anak ngunit dahil sa pananalig niya sa Panginoon, binigyan Niya ng himala ang buhay ni Jairo at kanyang anak, ng mabuhay muli ang kanyang anak.

Sa ating buhay may mga pangyayari na ninanais natin na magkaroon ng himala. Ang himala na inaasam natin na mangyari ay mangyayari kung buong puso tayong mananalig at magtitiwala sa ating Panginoon. Walang imposible para sa ating Panginoon. Lahat ay maari Niyang ipagkaloob sa atin kung buong puso tayong nananalig sa Kanya.

Sumagot siya, "Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon!' at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa." 

- Matteo 17:20-21 RTPV05 


#GodBlessUs😇❤

#day291 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================


Day 292

Tagalog;

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Tagalog;

Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,' mangyayari ang inyong sinabi. Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung nananalig kayo." 

Mateo 21:21‭-‬22 MBB05



English:

21 Jesus replied, "Truly I tell you, if you have faith and do not doubt, not only can you do what was done to the fig tree, but also you can say to this mountain, 'Go, throw yourself into the sea,' and it will be done. 22 If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer."

Matthew 21:21-22 NIV



************

Ang mga tunay na mga nagtitiwala at mga nanalig sa ating Panginoong Hesus ay hindi mangangamba ni manghihina ang kalooban. Ang pananampalataya at pananalig natin ay buong puso at walang pag-aalinlangan, lahat ay magiging posible. Lahat ng mga imposibleng mangyari ay nagiging posible para sa ating Panginoong Hesus.

Lahat ay kayang mapangyari ng ating pananampalataya. Huwag lamang tayong manghinawa sa pananalig natin sa Kanya. Sa Kanya natin ipagkatiwala ang lahat-lahat sa ating buhay. Magpatuloy tayo sa pananangan sa Kanyang presensya at lahat ay ipagkakaloob sa atin, ayon sa ating mga ikabubuti.

#GodBlessUs😇❤

#day292 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα