Day 289 & 290

24 0 0
                                    

Day 289

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag kayong padaya, mga kapatid kong minamahal. Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang.

Santiago 1:16‭-‬18 MBB05



English:

16 Don't be deceived, my dear brothers and sisters. 17 Every good and perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights, who does not change like shifting shadows. 18 He chose to give us birth through the word of truth, that we might be a kind of firstfruits of all he created.

James 1:16-18 NIV




**********

Ang lahat ng mga mabubuti at ganap ay kaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin. Huwag nawa tayo madaya ninuman patungkol sa mga kaloob sa atin. Ang Panginoong Diyos natin ang Siyang na Siyang may lalang ng langit at lupa ay hindi nagbabago kahit kailanman.

Hindi natin Siya kakikitaan ng kahit kaunti mng pagbabago sapagkat ang Panginoon ay dakila at tapat. Tayo nga na mga niloob Niyang tawagin bilang mga anak sa pamamagitan ng ating pagtanggap at pagkilala sa salita Niya na pawang katotohanan.

Ang Panginoon natin ay ang Panginoon noong simula't simula pang panahon hanggang sa kasalukuyan at hinaharap. Siya ang alpha at omega, lahat ng kaloob Niya ay kabutihan at pawang kabutihan para sa bawat isa sa atin.

Tayo'y nahihihigit sa lahat ng Kanyang nilikha sapagkat tayo ay mga itinuring Niyang mga anak. Kaya't nawa ay ating madama at maranasan ang mga kaloob Niya. Mapapurihan nawa natin Siya at dakilain sa lahat ng Kanyang kabutihan para sa bawat isa sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day289 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 290

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Ako ang Alpha at ang Omega," sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating.

Pahayag 1:8 MBB05




English:

"I am the Alpha and the Omega," says the Lord God, "who is, and who was, and who is to come, the Almighty."

Revelation 1:8 NIV




**********

Sa simula't simula pa ang Panginoon ay naroon na, Siya ang ating Alpha at Omega. Ang Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat. Walang makakahigit sa Kanyang kaluwalhatian. Ang ating Panginoong Diyos ay hindi nagbabago, magbago man ang panahon. Siya ang Diyos na nagmamahal sa bawat isa sa atin at handa tayong tanggapin at patawrin sa kabila ng lahat ating mga kasalanan at pagkukulang sa Kanya.


#GodBlessUs😇❤

#day290 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now