Day 331 & 332

26 0 0
                                    

Day 331

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Lahat ng niligtas, tinubos ni Yahweh, bayaang magpuri, mga tinulungan, upang sa problema, sila ay magwagi. 

Mga Awit 107:1‭-‬2 MBB05 



English:

1 Give thanks to the Lord, for he is good;
his love endures forever.

2 Let the redeemed of the Lord tell their story—
those he redeemed from the hand of the foe,

Psalms 107:1-2 NIV




 *********

Ating papurihan at dakilain ang Panginoon sa tuwi-twina. Ang pag-ibig Niya sa bawat isa sa atin ay tunay nga't tapat magpakilanman. Hindi kayang sukatin kung gaano Niya tayo kamahal. 

Magalak tayo sapagkat tayo ay Kanyang iniligtas at tinubos sa ating mga kasalanan, hindi Niya tayo pinababayaan. Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa panahon ng mga pagsubok at mga mahihirap na problemang ating kinakaharap ay atin itong mapagtagumpayan.

Kaya't marapat lamang na ating maibalik sa Kanya ang pinakamataas na papuri't pasasamalat sa lahat ng Kanyang mga ginawa sa buhay ng bawat isa sa atin. Ating ipahayag at ipagmalaki sa lahat ng mga tao ang Kanyang kabutihan at pag-ibig sa bawat isa sa atin. Kasama at kaagapay natin Siya sa buhay. Magtiwala at manangan lamang tayo sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day331 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 332

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang. 

Mga Awit 18:1‭-‬2 MBB05 




English:

Psalm 18For the director of music. Of David the servant of the Lord. He sang to the Lord the words of this song when the Lord delivered him from the hand of all his enemies and from the hand of Saul. He said:

1 I love you, Lord, my strength.

2 The Lord is my rock, my fortress and my deliverer;
my God is my rock, in whom I take refuge,

my shield and the horn of my salvation, my stronghold.

Psalms 18:1-2 NIV




********* 

Tunay ngang sa Panginoon lamang natin mararananasan ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin. Siya ang matibay na batong tanggulan na ating masasanggalan sa panahon ng pagbato sa atin ng iba't-ibang pagsubok.

Tayo'y Kanyang ililigtas at hindi hahayaan na tayo ay mapahamak. Makakanlungan natin kung tayo ay mga nanghihina at nawawalan na ng pag-asa. Tanging Siya lamang ang ating mapananaligang lubos.

Talikdan man tayo ng mundo, batuhin man tayo ng iba't-ibang mga pagsubok at hamon ng buhay, buong pagtitiwala tayong hindi tayo pababayaan ng Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Kaya't buong puso nating masasabi at maihahayag na iniibig natin ang Panginoon. Mga kahanga-hanga Niyang gawa sa buhay ng bawat isa ay tunay ngang walang kapantay at napakadakila. Kaya't magtiwala at manalig tayo sa Kanyang kabutihan sapagkat wala Siyang ninanais sa bawat isa atin kundi ang ating mga ikabubuti at ikaliligtas.

#GodBlessUs😇❤

#day332 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now