Day 333 & 334

38 1 0
                                    

Day 333

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin. 

Mangangaral 4:4 ASND




English:

And I saw that all toil and all achievement spring from one person's envy of another. This too is meaningless, a chasing after the wind.

Ecclesiastes 4:4 NIV




**************

Bakit nga ba likas sa mga pag-uugali ng tao ang walang kakuntentuhan, inggit at paghahangad ng mas higit kaysa sa iba. Pagkukumpara sa kung ano ang meron ang iba na wala siya? 

Kadalasan lamang sa ating mga tao, tayo ay higit na naghahangad na mas malampasan ang narating o nakamit ng ating kapwa, o maari ding sa pisikal na pangangatawan ng ating kapwa. Ninanais natin na maging katulad o mahigatan pa sila na kadalasan ay humahantong sa pagkainggit, pagkamuhi at pagkagalit.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang karera na tinatahak. May mga nauuna at mayroon ding mga nahuhuli, may nagtatagumpay at may mga nabibigo. Kung tayo man ay mabigo at madapa sa ating buhay, bumangon tayo at magpatuloy muli. Maging masaya tayo para sa tagumpay na meron ang iba sapagkat sila man ay dumanas din ng hirap bago nila makamit ang meron sila.

Kaya't iwasan natin ang magkaroon ng kaisipan na tulad ng inggit o paghahangad na mas maging higit sa ating kapwa. Lahat tayo ay binigyan ng Diyos ng kakayahan sa iba't-ibang aspeto ng buhay, ating gamitin ito ng may kabuluhan upang maparangalan ang ating Ama na nasa langit.

Sapagkat walang saysay ang inggit o paghahangad ng maging higit sa ating kapwa, ito'y natutulad nga lamang sa paghahabol sa hangin, walang kabuluhan. Kaya't mamuhay tayo ng pagkakaroon ng kakuntentuhan sa ating buhay at kabutihan sa puso sapagkat ang Panginoon naman nakakasiyasat ng lahat ang Siyang magpapala at magbibigay karangalan sa atin ayon sa ating mga gawa.

#GodBlessUs😇❤

#day333 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=======================================


Day 334

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna maupo sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at kanyang sinabi, 'Kaibigan, dito ka sa kabisera,' mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng mga panauhin. Sapagkat ang nagmamataas ay ibababâ, at ang nagpapakumbabá ay itataas."

 Lucas 14:10‭-‬11 MBB05




English:

10 But when you are invited, take the lowest place, so that when your host comes, he will say to you, 'Friend, move up to a better place.' Then you will be honored in the presence of all the other guests. 11 For all those who exalt themselves will be humbled, and those who humble themselves will be exalted."

Luke 14: 10-11 NIV





************

Maging paalala nawa sa atin ang pagiging mapagpakumbabá dahil hindi ito kabawasan ng pagkatao nating mga tao bagkus ito ay isang karagdagang karangalan sa bawat isa sa atin. Higit na mapalad ang nagpapakumbaba kaysa nagmamataas. Iniaangat ng Diyos ang mapagpakumbabá samatalang ang nagmamataas ay ibinababa.

#GodBlessUs😇❤

#day334 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now