Day 205 & 206

23 2 0
                                    

Day 205

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing, at ako nama'y iyong pinagaling. 

Mga Awit 30:2 MBB05 



English:

Lord my God, I called to you for help,

and you healed me.

Psalm 30:2 NIV



*******

Sa ating Panginoon Diyos lamang natin idulog ang lahat ng ating mga dalahin sapagkat sa Kanya ay may katugunan sa ating mga dalanagin. Kanya naririnig ang lahat ng ating mga daing, binibigyan Niya tayo ng mga kasagutan sa ating mga dalangin.

Pinapanumbalik Niya ang kalakasan at pinagagaling sa ating mga karamdaman kung tayo man ay mga nasa banig ng karamdaman. Mahabagin ang Diyos, nalalaman Niya ang ating mga pinagdadaanan sa buhay. Tutulungan Niya tayo, magtiwala lamang tayo sa Kanya ng lubusan at walang pag-aalinlangan. 

#GodBlessUs😇❤

#day205 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==================================


Day 206

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

Marcos 11:24 MBB05




English:

Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours.

Mark 11:24 NIV



********

Kung anuman ang ating hinihiling sa panalangin, ipagkatiwala natin na ito ay tinugon na ng ating Panginoon. Panghawakan na natin ang Kanyang mayayamang pangako. Buong puso natin Siyang panaligan at pagkatiwalaan. Sapagkat nakikita at nababatid ng Diyos ang nilalaman ng ating mga puso't-isipan.

Lahat ng ating mga dalangin ay may kasagutan mula sa Kanya. Maaring oo, hindi at maghintay ang Siyang maging tugon ng Diyos ngunit ito ay para lamang sa ating mga ikabubuti. Magtiwala lamang tayo sa Kanya ng lubusan. Hindi Niya tayo pababayaan kailanman.

#GodBlessUs😇❤

#day206 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now