Day 203 & 204

21 1 0
                                    

Day 203

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang hirap na ito'y aking nalalaman, na tanging ako rin ang makikinabang. Iyong iniligtas ang buhay na ito, hindi mo hinayaang mahulog sa hukay, at pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan.

Isaias 38:17 MBB05




English:

Surely it was for my benefit

that I suffered such anguish.

In your love you kept me

from the pit of destruction;

you have put all my sins

behind your back.


Isaiah 38:17 NIV




*******

Lahat ng ating mga paghihirap ay may kaakibat na gantimpala. Lalo't higit kung sa ating Panginoon Diyos lamang natin isinusuko ang ating buong buhay. Sapagkat ang mga paghihirap na ating nararanasan ay magtuturo sa atin ng mga aral sa buhay, lalo't higit ang pagtitiwala sa ating Panginoong Diyos.

Mahabagin at mapagmahal ang ating Panginoong Diyos, inililigtas niya tayong mga tao na sa Kanya'y nagtitiwalang lubos. Kanyang patatawarin ang mga taong humihingi nito. Kaya't magpatuloy tayo sa pagtitiwala at pananalug sa Kanya. Mangyari at maghari sa ating mga buhay ang Kanyang kalooban. Sapagkat ang lahat ng kalooban ng Diyos ay naaayon sa ating mga ikabubuti.

#GodBlessUs😇❤

#day203 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


================================


Day 204

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon. 

1 Mga Taga-Corinto 10:13 MBB05




English:

No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.

1 Corinthians 10:13 NIV





********

Lahat tayo ay may kanya-kanyang dalahin sa buhay. Iba't-ibang klase ng pagsubok sa buhay, ang lahat ng ito ay naayon sa kalooban ng ating Panginoon. Ipinahihintulot ng Diyos na atin itong maranasan sapagkat nalalaman Niya na ito ay naayon sa ating kakayahan. Batid Niya na atin itong malalampasan. Sapagkat alam ng Diyos na sa panahon ng mga pagsubok mas magiging matibay ang pananampalataya at pananalig natin sa Kanya.

Lahat ng mga pinagdadaanan natin ay nangyayari na rin sa iba, kaya't kung inaakala natin na sa ating mga buhay lamang ito nangyayari ay nagkakamali tayo. Kaya't huwag na huwag natin sisihin ang Diyos sa mga nangyayari sa ating buhay. Bagkus ay magpasalamat tayo sa mga pagsubok na ating nararanasan sapagkat hindi lamang pagpapala ang dapat nating ipinagpapasalamat. Maging pagsubok din, atin itong ipagpasalamat sapagkat dahil sa pagsubok na ito tayo ay magiging matibay at matatag.

Tanging ang Panginoong Diyos lamang ang may kakayahang magkakaloob sa atin ng kalakasan upang ating mapagtagumpayan ang lahat ating mga pagsubok na kinakaharap. Kaya't huwag tayong maghinawa na lumapit sa Kanya at isuko ang ating sarili at sa Kanya lamang ialay ang ating buhay at hayaan Siya ng kumilos at maghari sa ating buhay. Sa gayon ay patuloy nating maranasan ang Kanyang pagmamahal, pag-iingat at paggabay sa ating buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day204 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now