Day 149 & 150

42 1 0
                                    

Day 149

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 

Mga Taga-Colosas 3:2 MBB05




English:

Set your minds on things above, not on earthly things.

Colossians 3:2 NIV



******

Dahil sa pagkakilala at pagtanggap natin sa ating Panginoong Hesus, nalalaman natin na ang ating mga pag-iisip at pananaw sa buhay ay unti-unting lumalawak ang pang-unawa. Nalalaman natin kung ano ang nakalulugod sa harap ng Panginoon sa mga hindi nito nais.

Ang mga nakasanayan nating mga panlupa ay napapalitan ng pagkaunawa sa mga kaisipang makalangit. Ngunit hindi din naman sinabi sa talatang ito na ating balewalain ang mga alalahanin dito sa lupa. Bagkus ito ay nangangahulugan lamang na tayo'y marapat lamang na magbigay ng pansin at oras o panahon sa mga bagay na nakalulugod sa ating Panginoong Diyos kaysa sa mga bagay na nakalulugod sa mga tao.

#GodBlessUs😇❤

#day149 ❤

#ToGodBeTheGlory

#KeepUsSafe


====================================


Day 150

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Napakadakila mo, O Panginoong Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo. Ikaw lamang ang Diyos. 

2 Samuel 7:22 MBB05



English:

"How great you are, Sovereign Lord! There is no one like you, and there is no God but you, as we have heard with our own ears.

2 Samuel 7:22 NIV




******

Walang katulad ang ating Panginoon. Siya'y isa lamang at walang makapapantay sa Kanya. Siya ang Diyos mula noon, ngayon at magpakailanman. Diyos na buhay, banal at makapangyarihan sa lahat.

Siya ang Diyos na hindi nagbabago, dumaan man tayo sa iba't-ibang hehenerasyon. Ang pagmamahal, pagmamalasakit at pagkalinga Niya sa atin ay walang kupas. Hindi kayang pantayan ang pagmamahal Niya sa atin, patuloy Niyang pinatutunayan ang mga ito sa ating buhay.

Kahit na hindi natin ito binibigyang pansin sapagkat ang oras at panahon natin ay hindi nakatuon sa Kanya. Binibigyan pa rin tayo ng Diyos ng pagkakataon na kilalanin Siya at lumapit sa Kanya. Lahat ay ginagawa ng Diyos sa atin kahit na hindi tayo karapatdapat sa pagmamahal Niya sa atin.

Isang patunay ay ang pagsugo Niya sa Kanyang bugtong na anak na si Hesus na Siyang nagtubos ng ating mga kasalanan. Upang ang kumilala at tumanggap sa ating Panginoong Hesus ay magkamit ng buhay na walang hanggan. Upang mapatunayan din natin sa ating buhay na tunay ngang walang katulad kaninuman ang ating Panginoong Diyos na buhay, banal at makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤

#day150 ❤

#toGodbetheglory

#KeepUsSafe


365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now