Day 151 & 152

37 1 0
                                    

Day 151

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. 

Mga Awit 103:17 MBB05




English:

But from everlasting to everlasting

the Lord's love is with those who fear him,

and his righteousness with their children's children—

Psalm 103:17 NIV





********

Wagas ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ito'y napapatunayan ng mga taong tapat na nagmamahal at may pagkatakot sa ating Panginoon. Nakikita ng Diyos ang mga namumuhay ng tuwid at lumalakad ng naayon sa Kanyang kalooban. Siya'y pararangalan ng Diyos hanggang sa Kanyang salinglahi.

Kaya't magpatuloy tayo sa pagiging tapat sa ating Panginoon at masunod nawa ang Kanyang kalooban sa ating buhay. Magkaroon tayo ng takot at paggalang sa ating Panginoon sapagkat kung tayo ay may pagkatakot sa Diyos hindi tayo makakagawa ng masama.

#GodBlessUs😇❤

#day151 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


================================


Day 152

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin; patuloy pa rin itong mamumunga. 

Jeremias 17:7‭-‬8 MBB05




English:

7 "But blessed is the one who trusts in the Lord, 

whose confidence is in him.

8They will be like a tree planted by the water

that sends out its roots by the stream.

It does not fear when heat comes;

its leaves are always green.

It has no worries in a year of drought

and never fails to bear fruit."

Jeremiah 17 NIV




******

Mapapalad ang mga taong sa Diyos lamang nagtitiwala. Mga walang inaasahan at pinananaligan kundi ang ating Panginoong Diyos lamang. Anuman ang kaharaping problema sa buhay, dumaan man tayo sa iba't-ibang klase ng panahon o mga pagsubok man, makakaasang tayo'y Kanyang gagabayan. Ingangatan at Kanyang poprotektahan.

Ang pagpapala ng Diyos sa mga taong nagtitiwala sa Kanya ay walang sapat na pagsidlan ng Kanyang pagpapala. Hindi Niya kailanman pagkukulangin ni pababayaan man. Mamumuhay ng puno ng pag-asa ang puso ng mga nagtitiwala sa ating Panginoon. Sapagkat kung magtitiwala lamang tayo sa ating sariling karunungan at kaunawaan ay tunay ngang wala tayong magagawa!

#GodBlessUs😇❤

#day152 ❤

#toGodbetheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now