Day 69 & 70

52 6 0
                                    

Day 69

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis. 

2 Mga Taga-Corinto 1:4 MBB05




English:

who comforts us in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves receive from God.

2 Corinthians 1:4 NIV



******

Minsan nakararanas tayo ng mga pagsubok na hindi natin aakalain na makakaya ngunit dahil sa habag at awa ng Diyos sa atin, Kanyang binibigyan tayo ng kalakasan ng kalooban. Upang ating malampasan ang mga ito sa pamamagitan ng mga tao na Kanyang gagamitin upang magbigay kalakasan ng kalooban at panalangin upang tayo ay magpatuloy.


Nang sa gayon ay maibahagi rin naman natin sa iba ang kalakasan na kaloob sa atin ng Diyos, na dumaranas rin ng kapighatian. Kaya't magpatuloy tayo sa pagtitiwala sa ating Panginoon at 'wag mag-atubiling lumapit sa Kanya sa mga panahon ng paghihirap natin. Upang sa ganun maipadama rin natin nawa sa iba ang kaloob Niya na kalakasan ng kalooban na nangangailangan din nito.

#GodBlessUs😇❤

#day69 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

===============================


Day 70

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Mga Awit 23:1‭-‬2 MBB05



English:

A psalm of David.

1 The Lord is my shepherd, I lack nothing.

2 He makes me lie down in green pastures,

he leads me beside quiet waters,

Psalms 23:1-2 NIV


*****

Kapag ang ating Panginoon ang ginawa nating pastol ng ating buhay, kahit kailan ay hindi natin mararanasan ang kakulangan. Pinagkakaloob Niya ang lahat ng ating nga pangangailangan at maging pag-iingat sa Kanyang mga anak. Sa Kanya ay may katiyakan tayong may kapayapaan at kapanatagan na hindi Niya tayo pababayaan.

Gayundin ang mga biyaya Niya ay sagana at umaapaw. Sapagkat tayong mga tao ay katulad ng mga tupa na nangangailangan ng tagapangasiwa upang mag-alaga, magprotekta at ituwid ang daan kung tayo ay naliligaw. Kung sa inaakala natin na hindi natin kailangan ang pastol at kaya natin ang ating sarili ay dinadaya natin ang ating mga sarili.

#GodBlessUs😇❤

#day70 ❤

#ToGodBeTheGlory 

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now