Day 145 &146

35 1 0
                                    

Day 145

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin. 

Juan 6:37 MBB05



English:

However, those the Father has given me will come to me, and I will never reject them.

John 6:37 NLT




******

Walang tinatangi ang ating Panginoon Hesus, lahat ng mga lalapit sa Kanya ay tatanggapin Niya ng walang pag-aalinlangan. Hindi namimili ang Diyos kung sino lamang ang gusto Niyang maligtas. Bagkus ay binibigyan Niya palagi tayo ng pagkakataon na magbago at tanggapin ang turo at aral ng ating Panginoong Hesus. Kilalanin Siya bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas.

#GodBlessUs😇❤

#day145 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===============================


Day 146

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Kung may magagawa ako?" tanong ni Jesus. "Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya." 

Marcos 9:23 MBB05



English:

"What do you mean, 'If I can'?" Jesus asked. "Anything is possible if a person believes."

Mark 9:23 NLT




*******

Ang lahat ay kayang mapangyari ng mga nagtitiwala at nananampalatay sa ating Panginoong Hesus. Sapagkat kung may pagdududa tayo at pag-aalinlangan sa ating Panginoong Hesus hindi rin natin buong mararanasan ang Kanyang kapangyarihan.

Hindi natin lubos na mauunawaan ang mga kalooban ng Diyos sa ating buhay kung tayo ay may pag-aalinlangan sa Kanya. Ngunit lahat ay maaring mangyari kahit pa nga imposible na mangyari kung buong puso tayong mananampalataya sa Kanya.

Kaya't tayo ay maging lubos ang pagtitiwala at pananampalataya sa ating Panginoong Hesus upang maging patotoo sa ating buhay ang Kanyang kapangyarihan.

#GodBlessUs😇❤

#day146 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now