Day 235 &236

24 1 0
                                    

Day 235

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan."

Isaias 46:4 MBB05




English:

Even to your old age and gray hairs
I am he, I am he who will sustain you.
I have made you and I will carry you;
I will sustain you and I will rescue you.

Isaiah 46:4 NIV



**********

Ang Panginoong Diyos ang Siyang mag-iingat at gagabay sa atin sa habang panahon na tayo ay nabubuhay dito sa mundong ito. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay tunay ngang walang kapantay. Ikinukubli't iniingatan sa panahon ng ating pangangailangan. Ito ay tungkulin Niya sa bawat isa sa atin.

Kaya't magpasakop tayo sa Kanyang kapangyarihan at manangan sa Kanya lamang. Buong puso natin Siyang pagkatiwalaan sapagkat mapanghahawakang lubos ang Kanyang mga pangako. Ang marunong sumunod sa Diyos, makakamtan at mararanasan ang pag-iingat at paggabay hanggang sa pumuti ang buhok at maging hanggang sa pagtanda.

#GodBlessUs😇❤

#day235 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 236

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo."

Mateo 11:28‭-‬30 MBB05



English:

28 "Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. 29 Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30 For my yoke is easy and my burden is light."

Matthew 11:28-30 NIV




**********

Anuman ang mga pinagdadaanan ng bawat isa sa atin, nasa panahon man tayo ng kahirapan, kapighatian at iba't-ibang mga hamon ng buhay, sa Panginoon natin ito ilapit at idulog. Sa Panginoon natin hanapin ang kalakasan at kapayapaan sa ating puso. Ipagkatiwala natin sa Kanya ang ating buhay sapagkat ang buhqy nating ito ay hiram lamang natin sa Kanya. Inilalarawan ito hindi bilang pisikal na kapahingahan kundi ng ating ispiritwal na kapahingahan. 

Ipanapaunawa sa atin ng talatang ito na ang kailangan natin sa ating buhay ay tanging Siya lamang. Anumang bigat ng ating mga dalahin, kayang kaya Niyang pawiin. Magaan ang pamatok ng ating Panginoon at madaling dalahin sapagkat ayaw Niya tayong mahirapan. Napakabuti ng Diyos at mahabagin, minamahal Niya tayo ng higit pa sa ating pagkaunawa. Kaya't huwag na tayong mag-atubili na lumapit sa ating Panginoon at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng mga pasanin natin sa buhay. Makakaasang tayo ay hindi Niya bibiguin, kahit kailanman. 

#GodBlessUs😇❤

#day236 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now