Day 247 & 248

36 2 0
                                    

Day 247

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Mga Awit 128:1‭-‬2 MBB05




English:

1 Blessed are all who fear the Lord,

who walk in obedience to him.

2 You will eat the fruit of your labor;

blessings and prosperity will be yours.

Psalm 128:1-2 NIV





********

Mapapalad ang mga taong may takot at sumusunod sa mga utos ng Diyos sapagkat pagdating ng panahon ay Kanyang gagantimpalaan. Pagkakalooban Niya ang mga nagpapagal sa pagsunod sa kalooban ng Diyos nang lubos na ligaya at ang pamumuhay ay uunlad saan mang aspeto ng buhay.

Sapagkat kung tayo ay may takot sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat hindi tayo makakagagawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa ating Panginoon. Magkakaroon tayo ng pagkaunawa sa kung ano ang mabuti sa masama. Kaya't magpatuloy tayo sa pagtatapat sa Kanya at sumunod sa Kanyang kalooban upang hindi tayo mahiwalay sa Kanyang mayayamang pangako sa bawat isa sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day247 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================


Day 248

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Mateo 6:26 MBB05


English:

Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?

Matthew 6:26 NIV




*********

Kung atin nga namang pagmamasdan ang mga ibon sa parang, nakakamanghang isipin kung saan sila pumupunta o saan sila kumukuha upang magkaroon ng kanilang kakainin. Hindi nga ba't hindi sila pinababayaan ng Diyos na magutom?

Higit tayong mahalagang mga tao sa lahat ng nilalang ng ating Diyos. Kaya't ayaw Niya tayong mapahamak o maghirap ngunit sadyang mahirap lamang para sa ating mga tao ang sundin Siya. Kaya't hindi natin nararanasan ang pagkilos Niya sa buhay natin. Nawa'y ito ang mabago natin sa ating buhay.

Kaya't huwag tayong mag-alilangan sa ating Panginoon sapagkat Siya ang gumagawa ng paraan upang tayo ay tulungan sa ating mga pangangailangan. Siya ang nagbibigay ng himala sa ating buhay at lahat ng Kanyang mga pangako ay Kanyang tinutupad. Wala Siyang hindi kayang gawin sa ating buhay.

Minamahal tayong lubusan ng Diyos at ayaw Niyang mahirapan ang bawat isa sa atin. Kung pagkakatiwalaan natin Siya ng buong buo, mararanasan natin ang pagtulong ng Diyos at tutulungan Niya tayong pasanin ang lahat ng mga dalahin natin sa buhay.

Kilalanin at tanggapin natin ang Panginoong Hesus bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas. Pagkatiwalaan natin Siyang lubos at hayaang kumilos sa ating buhay, ng sagayon ay makita at maunawaan natin ang pagkilos Niya sa ating buhay ay tunay ngang kamangha-mangha.

#GodBlessUs😇❤

#day248 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now