Day 317 & 318

29 1 0
                                    

Day 317

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya, pananagutan natin sa Diyos ang mga bagay na ating ginagawa. 

Mga Taga-Roma 14:12 MBB05




English:

So then, each of us will give an account of ourselves to God.

Romans 14:12 NIV




**********

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananagutan. Pananagutan sa lahat ng ating mga ginawa dito sa lupa, mabuti man o masama ay hahatulan ng Panginoon sa araw ng Kanyang paghuhukom.

Kung inaakala ninuman na ang lahat ng ating gawang mabuti ay para sarili lamang nating kaluguran, nagkakamali tayo maging sa ating kapwa may pananagutan din tayo. 

Sa isip man, salita o gawa, lahat ay ating ipagsusulit sa ating Panginoon at hindi tayo makaka-iwas o hindi tayo exempted, kahit tayo pa ay mga anak ng Diyos ay hatulan ng naaayon sa ating mga gawa. 

Kaya't manatili at maghari pa rin sa ating puso't-isipan ang pagiging mabuti at paggawa ng mabuti sa ating kapwa at sa ating sarili. Sapagkat ang Diyos na nakakakita ng lahat ang Siyang magpapala o magpaparusa ayon sa ating gawa. 

#GodBlessUs😇❤

#day317 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================


Day 318

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya. 

Isaias 30:18 MBB05 



English:

Yet the Lord longs to be gracious to you;
therefore he will rise up to show you compassion.
For the Lord is a God of justice.

Blessed are all who wait for him!

Isaiah 30:18 NIV



 ***********

Hanap tayo ng hanap kung sino ang makakatulong sa atin. Kung sino-sino ang ating tinatawagan, kung sino-sinong nilalapitan pero sa huli ay nakamit ba natin ang tunay na hinahanap nating kasagutang tulong?

Sa Panginoon Hesus tayo lumapit at humingi ng tulong at gabay, tanging Siya lamang ang ating pananaligan, panghawakan at kapitan ang Kanyang mayamang salita at pangako. Hindi Niya tayo bibiguin kung buong puso natin Siyang tatanggapin at pananampalatayanan.

Maraming paraan ang Panginoon upang tugunin ang ating mga hinaing at dalangin. Napakahiwaga ng pagkilos ng Diyos sa bawat isa ating nanalig sa Kanya. Maaring gumamit Siya ng mga tao upang maging daan ng ating mga pangangailangan.

Kahit si satanas ay maari Niya ring utusan upang matulungan tayo.

- Bro. Gilbert Abella (Church of Christ at Pines)

Makatarungan ang Diyos, tapat at patas Siya sa bawat isa sa atin gayundin ay mapapalad ang lahat ng mga nagtitiwala at nanangan lamang sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day318 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now