Day 181 & 182

22 1 0
                                    

Day 181

Tagalog:

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Tagalog:

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Mga Awit 37:28 MBB05




English:

For the Lord loves the just

and will not forsake his faithful ones.

Wrongdoers will be completely destroyed;


the offspring of the wicked will perish.

Psalm 37:28 NIV



******

Kinalulugdan ng Diyos ang lahat ng mga taong matutuwid mga gawa ay naayon sa wastong mga gawain, mga sinusunod ay ang kalooban ng ating Panginoon. Minamahal ng Diyos ng lubusan at ang pag-iingat sa atin ay Kanyang igagawad. Hindi Niya hahayaang mapahamak bagkus ang proteksyon ay laging sasakanya. Kabaliktaran sa lahat ng masama. Kanyang ihihiwalay at ang parusa ay nakaabang. Ngunit napakabuti ng Diyos at Kanyang binibigyan ng pagkakataon na magbago, magsisi at talikdan ang kanilang mga maling gawa.

#Godblessus 😇❤

#day181 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafe


======================================


Day 182

Tagalog:

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Tagalog:

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. 

1 Juan 2:15 MBB05 




English:

Do not love the world or anything in the world. If anyone loves the world, love for the Father is not in them.


1 John 2:15 NIV




********

Huwag natin pakaibigin at mahalin ng lubusan ang mudong ito. Sapagkat hindi tayo magtatagal sa mundong ito, anuman ang mga meron tayo ay hindi natin ito madadala sa kabilang mundo. Malalayo lamang ang ating loob sa ating Panginoon.

Ang mundong ito ay puno ng pang-aakit upang masilaw tayo sa karangyaan, kalayawan at kapangyarihan. Tayong mga tao ay nakakapaghangad din ng mga ganitong pangako ng mundong gawain ngunit ang lahat ng ito ay walang kabuluhan.

Makamtan man nating mga tao ang lahat ng kaloob ng mundong ito ay hindi naman ito magiging sapat at lubos ang ating kaligayang makakamtan, hindi rin natin ito madadala o mabibitbit sa kabilang buhay na kaloob ng Diyos.

Sapagkat mas maraming biyaya at pagpapala ang ipagkaloob ng Diyos kung Siya ang buong puso nating pakaiibigin. Sapagkat hindi lamang sa materyal na bagay ang basehang ng ating Panginoon upang makamtan natin ng kaligayahang di kayang ibigay ng mundong ito. Buhay na walang hanggan ang pinakamagandang kaloob na maari nating makamtan mula sa ating Panginoon kung Siya lamang ang ating iibigin, kikilalanin at sasambahin.

#GodBlessUs😇❤

#day182 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu