Day 239 & 240

22 1 0
                                    

Day 239

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Gayunpaman, ang Espiritu'y ipinagkaloob na ni Cristo sa inyo. At habang ang Espiritu'y nananatili sa inyo, hindi ninyo kakailanganing turuan pa kayo ng iba. Ang Espiritu ang magtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Lahat ng ituturo niya ay totoo, at ito'y walang bahid ng kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Cristo.

1 Juan 2:27 MBB05




English:

As for you, the anointing you received from him remains in you, and you do not need anyone to teach you. But as his anointing teaches you about all things and as that anointing is real, not counterfeit—just as it has taught you, remain in him.

1 John 2:27 NIV




********

Ang mga nananatili sa ating Panginoong HesuKristo ay pagkakalooban Niya ng espiritu na Siyang maggagabay sa atin upang makapamuhay tayo ng naayon sa kalooban ng ating Panginoong Diyos. Ang espiritung kaloob Niya sa atin ang Siyang magtuturo sa atin ng mga bagay na kailangan nating malaman.

Sa pamamagitan ng banal na espiritung kaloob sa atin ng Diyos hindi tayo maliliwagaw ni mapapahamak man. Sapagkat ang gabay ng Panginoon ay hindi nagsisinungaling at pawang kabutihan at katotohanan ang kaloob Niya sa bawat isa sa ating mga nagtatapat sa ating Panginoong Hesus.

#GodBlessUs😇❤

#day239 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=======================================


Day 240

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal. 

Mga Awit 119:165 MBB05




English:

Great peace have those who love your law,
and nothing can make them stumble.

Psalms 119:165 NIV




*********

Kung ang hangad natin sa buhay ay mapayapang pamumuhay dito sa lupa, ating sundin ang mga utos at salita ng Diyos. Sapagkat ang mga utos at salita ng Diyos ang Siyang matibay na sandata sa mga hamon ng buhay na ating kakaharapin.

Dumaan man sa iba't-ibang mga hamon ng buhay, ito'y hindi magiging balakid upang maging manghina ang ating kalooban. Bagkus ay binibigyan tayo ng pagkaunawa at katatagan ng kalooban at pananampalataya sa Panginoong Diyos upang mapatunayan sa ating buhay ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay.

Hindi kailanman mapapahamak ni mabuwal man sa pagsubok na susuing. May kapayapaang taglay ang sa banal Niyang salita, turo at aral kung atin itong susundin at uunawain. Datapwat ang mga utos ng Diyos ay hindi mahirap sundin ngunit sadyang pinapahirap lamang nating mga tao na sundin. Ang salita, turo at aral Niya ang Siyang bukal ng buhay, upang buhay na mapayapa ay ating makamtan.

#GodBlessUs😇❤

#day240 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now