Day 303 & 304

27 0 0
                                    

Day 303

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

 Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid. 

Mga Awit 30:11‭-‬12 MBB05





English:

11 You turned my wailing into dancing;
you removed my sackcloth and clothed me with joy,
12 that my heart may sing your praises and not be silent.
Lord my God, I will praise you forever.

Psalm 30:11-12 NIV



*********

Sa Panginoong Diyos natin hanapin ang kaligayahan at kaaliwan sapagkat sa panahon ng kapighatian at kalungkutan, tanging Siya lamang ang lubos na makakapagbigay ng Kaligayahan at pagmamalasakit na 'di kayang ibigay ng mundong ito. Minamahal Niya tayo ng lubusan, batid Niya ang lahat ng ating mga pinagdaraanan. Nalalaman Niya ang lahat ng bigat na ating mga pasakit na nararanasan.

Kaya't magalak tayo sa piling ng ating Panginoon sapagkat sumuuong man tayo sa iba't-ibang mga hamon tulad ng kasawian, kadalamhatian, pagkabigo at marami pang iba, hindi tayo matitigatig. Alam natin na mayroong Panginoon na hindi tayo iiwan ni pababayaan man. Kaya't buong puso natin Siyang ipagmalaki at itaas ang Pangalan Niya. Purihin at awitan natin Siya sa tuwi-tuwina sapagkat ito ang dapat at marapat nating gawin, upang maibalik sa Panginoon ang pinakamataas na papuri't pagsamba.

#GodBlessUs😇❤

#day303 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=========================================


Day 304

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay." 

Pahayag 21:4 MBB05 



English:

'He will wipe every tear from their eyes. There will be no more death' or mourning or crying or pain, for the old order of things has passed away."

Revelation 21:4 NIV


 **********

Sa kabilang buhay kung saan ay wala na ang lahat ng mga paghihirap, hinagpis at piggati. Sa tahanan ng ating Panginoon ay hindi na natin mararanasan ang mga nararanasan nating hirap at pighati sa mundong ito. Ang lahat ng mga nabanggit na ito ay papawiin ng ating Panginoon. Doon sa piling Niya ay may kapayapaan, tunay na ligaya at saya na hindi natin nararanasan dito sa lupa.

#GodBlessUs😇❤

#day304 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now