Day 321 & 322

36 0 0
                                    

Day 321

Tagalog:

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

Tagalog:

Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.

Mga Kawikaan 29:25 MBB05



English:

Fear of man will prove to be a snare,
but whoever trusts in the Lord is kept safe.

Proverbs 29:25 NIV



**********

Tayong mga tao, madali para sa atin ang husgahan ang ating kapwa ayon sa kanilang salita, gawa at pamumuhay na meron ang bawat isa. Madalas ay nagdudulot tayo sa ating kapwa ng ikahihina at ikababagsak ng pagkatao ng isang tao.

Hindi natin iniisip kung mayroon ba tayong nasasaktan o nasasagasaan sa ating mga ginagawa sa ating kapwa lalo na sa makabagong teknolohiya o social media site kung saan malaya tayong ilabas ang ating iba't-ibang mga opinyon, makabubuti man o makakasama sa ating kapwa ay 'di natin alintana.

Kaya't kung tayo man ay nakakaranas ng mga panghihina ng loob sa ating kapwa, sa Diyos tayo lumapit, hanapin natin Siya at hindi Niya tayo bibiguin. Masusumpungan natin Siya kung buong puso at tapat tayong nagtitiwala at mananalig sa Kanya.

Mahabagin at maawain ang Diyos, kung tayo ay sasaKanya magkakaroon tayo ng kapayapaan at kapanatagan ng loob upang magpatuloy sa buhay. Batid at talastas ng Panginoon ang mga nilalaman ng ating puso, kung ito ay mabuti at para sa ating mga ikabubuti ay makakamtan natin ito.

Hindi man tayo suportahan ng mga tao kung ang Panginoon naman ang susuporta sa atin, hindi Niya tayo bibiguin. Higit na mahalaga ang kalooban ng Diyos ang masunod at papuri para sa ating Panginoon at hindi ang kalooban at kapurihan nating mga tao.

#GodBlessUs😇❤

#day321 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================

Day 322

Tagalog:

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

Tagalog:

"Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 

Mateo 7:7‭-‬8 MBB05



English:

Ask, Seek, Knock

7 "Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. 8 For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened.

Matthew 7:7-8 NIV




**********

Anuman ang ating mga pangangailangan at mga hinaing ay sa Panginoon natin ilapit. Hinihintay lamang tayo ng Panginoon na lumapit sa Kanya. Hanapin natin Siya at atin Siyang masusumpungan. Kumatok tayo at tayo ay Kanyang pagbubuksan. Wala Siya tinatangi, lahat tayo ay pantay-pantay sa Kanyang paningin.

Humingi tayo at ipagkakaloob Niya ang lahat ng ating mga hinihingi maaring ngayon, bukas o maghintay ng naayon sa Kanyang kalooban at maaring din namang hindi, sapagkat tanging Siya lamang ang nakakakita ng mas magandang plano sa buhay ng bawat isa sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day322 ❤

#ToGodBeTheGlory 

#keepussafealways


365 Days || Bible Verses (2021)Där berättelser lever. Upptäck nu