Day 329 & 330

32 0 0
                                    

Day 329

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 

Mga Taga-Roma 15:13 MBB05



English:

May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.

Romans 15:13 NIV




************

Katulad ni Pablo nawa ay maging hiling at dalangin natin sa ating sarili at sa ating kapwa lalo't higit sa mga mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Nawa'y pagharian at pagkalooban tayo ng Panginoong Diyos na Siyang bukal ng pag-asa ng kagalakan at kapayapan na nagmumula sa ating pananampalataya sa Kanya. Upang sa gayon ay mapuspos tayo ng Kanyang banal na espiritu, ang pag-asa at pagtitiwala sa ating puso't-isipan ay hindi mabubuwal ng mga hamon ng buhay. 

#GodBlessUs😇❤

#day329 ❤

#ToGodBeTheGlory

#thankyouLord

#keepussafealways


======================================


Day 330

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Hindi ko ikinasisiya ang kamatayan ng masama," sabi pa ni Yahweh. "Ang ibig ko nga, siya'y magsisi at magbagong-buhay. 

Ezekiel 18:23 MBB05



English:

Do I take any pleasure in the death of the wicked? declares the Sovereign Lord. Rather, am I not pleased when they turn from their ways and live?

Ezekiel 18:23 NIV




***********

Hindi ikinatutuwa ng Diyos na mapahamak o mawala ang lahat ng tao lalo't higit ang mga masasama. Lahat tayo ay minamahal at iniibig ng Diyos, lahat ay ibig Niyang maligtas at hindi mapahamak. 

Nais ng Diyos niya na tayong mga makakasalanan ay magbago, ating tanggapin at kilalanin ang Panginoong Hesus bilang isang Diyos at tagapagligtas. Ating talikdan ang lahat ng ating mga kasalanan at mamuhay ng naayon sa kalooban ng ating Panginoon. 

Hindi Siya mahirap magpatawad lalo't higit kung ito ay tunay at tapat ang pagsusumamo natin ng kapatawaran sa Kanya. Ngunit kung patuloy tayo sa ating pagkakasala atin lamang dinadala ang ating sarili sa kapahamakan na tayo mismo ang may gawa.

Kaya't wag na tayong mag-atubili pa kapatid, tayo'y lumapit at humingi ng kapatawaran mula sa ating Panginoon. Magtiwala at mamuhay ng naayon sa Kanyang kalooban ng sagayon ang buhay natin ay may kapayapaan sa piling at presensya ng ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day330 ❤

#thankyouLord

#ToGodBeTheGlory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now