Day 27 & 28

72 4 0
                                    

Day 27

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya. 

Mga Awit 34:8 MBB05


English:

Taste and see that the Lord is good; blessed is the one who takes refuge in him.

Psalm 34:8 NIV


*****


Tayong mga nagtitiwala at nanalig sa ating Panginoon ay lubos na pinagpapala. Mapapalad tayo sapagkat tayo ay walang pinananaligan kundi ang ating Panginoong Diyos lamang. Ating makikita at malalasap ang kabutihan ng Diyos sa bawat isa sa ating mga nananalig sa Kanya. 

 #GodBlessUs😇❤ #day27 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe


===============================


Day 28

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng pangangamba? Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nangangamba tungkol sa ibang mga bagay? 

Lucas 12:25‭-‬26 MBB05


English:

25 Can all your worries add a single moment to your life? 26 And if worry can't accomplish a little thing like that, what's the use of worrying over bigger things?

Luke 12:25-26 NLT



******


May makakapagpahaba nga ba ng kahit isang oras ng ating buhay ang pangamba? Sa tingin ko ay wala, maaring umikli pa sa malabis na pangamba. Hindi lingid sa ating mga tao ang mangamba, sapagkat iba't-iba ang mga nangyayari sa ating paligid, sa ating bansa o mundo at maging sa ating mga personal na buhay. Ngunit ganun pa man nakatutulong ba ang pangamba upang masolusyunan ang lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay?

Kaya't kung tayo ay nakararanas ng mga pangamba, tayo ay lumapit sa ating Panginoon. Humingi tayo ng tulong sa Kanya na pawiin ang lahat ng mga pangamba, pagkabalisa o pagkaagam-agam na ating nararamdaman. 

Pagkatiwalaan natin Siya at buong pusong ipagkatiwala ang lahat lahat sa Kanya at hayaan na ang Diyos ang Siyang kumilos sa ating buhay. Sapagkat sa ating Panginoong Diyos lamang natin masusumpungan ang tunay na kapayapaan. 

 #GodBlessUs😇❤ #day28 ❤#ToGodBeTheGlory #KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now