Day 191 &192

24 1 0
                                    

Tagalog:

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)

Mga Awit 46:1‭-‬3 MBB05




English:


For the director of music. Of the Sons of Korah. According to alamoth. A song.

1 God is our refuge and strength,

an ever-present help in trouble.

2 Therefore we will not fear, though the earth give way

and the mountains fall into the heart of the sea,

3 though its waters roar and foam

and the mountains quake with their surging.


Psalms 46:1-3 NIV


********

Sa Panginoon lamang tayo makakasumpong ng kalakasan mapa-pisikal, mental at espiritwal. Matibay na kanlungan na ating masisilungan sa panahon ng mga pagsubok at mga bagabag na dumarating sa ating buhay. Ang Diyos ang Siyang magiging lakas natin at kanlungan na tunay na maasahan. Hindi Niya pababayaan ang Kanyang mga anak na mapahamak.

Makakaasa tayong dumaan man tayo sa mga matitinding pagsubok, tayo ay Kanyang iingatan at hindi hahayaang mapahamak. Batuhin man tayo ng mundo ng iba't-ibang pagsubok tayo ay makakabangon at makakabangon, sapagkat hindi Niya tayo pababayaan kailanman. Patuloy lamang tayong magtapat at magtiwala sa kakayahan ng ating Panginoong Diyos. Ipagkatiwala na natin sa Kanya ang lahat lahat at hayaang Siya na ang kumilos at magpatakbo sa ating buhay. 

#GodBlessUs😇❤

#day191 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


====================================


Day 192

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. 

Mga Awit 106:1 MBB05




English:

Praise the Lord.

Give thanks to the Lord, for he is good;

his love endures forever.

Psalms 106:1 NIV



*******

Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa ating Panginoon. Sa buhay, kalakasan, sa mga materyal na bagay na ating nakukuha at maging pagsubok na mayroon tayo, atin itong ipagpasalamat sa Kanya.

Napakabuti ng Diyos sa bawat isa sa atin maging ang Kanyang pag-ibig ay tunay at wagas. Siya ay laging tapat kailanman, mga pangako Niya ay mapanghahawakang tunay. Sapagkat kahit kailan ay wala Siyang pangakong hindi tinutupad.

#GodBlessUs😇❤

#day192 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang