Day 99 & 100

48 2 0
                                    

Day 99

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? 

Mga Awit 27:1 MBB05



English:

The LORD is my light and my salvation-- whom shall I fear? The LORD is the stronghold of my life-- of whom shall I be afraid?

Psalm 27 NIV




******

Walang kasamang takot at pangamba ang mga nagtitiwala sa ating Panginoon. Sa Kanya ay makasisiguro tayong kaligtasan ay mapanghahawakan. Siya ang nagbibigay ng kalakasan at katatagan upang mapaglabanan natin ang mga hamon ng buhay dito sa lupa.

Siya ang nagsisilbing ilaw upang hindi tayo mailigaw sa kadiliman. Kaya't nawa sa ating Panginoon lamang tayo patuloy na umasa at magtiwala sapagkat sa Kanya ay may katiyakan tayong kaligtasan ay ating makakamtan.

#GodBlessUs😇❤

#day99 ❤

#toGodbetheglory

 #keepUsSafe


================================


Day 100

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo, at napakabuti mo sa mabubuting tao. Ikaw ay mabait sa taong matuwid, ngunit sa masama, ikaw ay malupit. 

Mga Awit 18:25‭-‬26 MBB05




English:


25 To the faithful you show yourself faithful; 

to those with integrity, you show integrity.

26 To the pure you show yourself pure,

but to the crooked, you show yourself shrewd.


Psalm 18:25-26 NLT



*****

Ipinapakita ng talatang ito kung paano ang pagtugon sa atin ng Diyos patungkol sa ugali ng pagkatao nating mga tao sa Kanya. Tapat ngang tunay ang Diyos sa mga taong nagtatapat sa Kanya. Gayundin naman ay napakabuti ng ating Diyos sa lahat ng mga mabubuting tao.

Hindi Niya kailanman pinababayaan ni pinagkukulang man ang mga taong sa Kanya lamang umaasa at nagtitiwala. Batid ng Diyos ang lahat ng mga tapat at mabubuting tao. Kanyang pinagpapala at ginagantimpalaan ayon sa kanilang mga gawa.

Ngunit malupit ang parusang kaloob ng Diyos sa mga taong masasama na ang hangaad ay kaguluhan, kasakakiman at kapalaluan. Dito'y walang ligtas sa parusa ng ating Panginoon. 

 #GodBlessUs😇❤

#day100 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now