Day 109 & 110

41 2 0
                                    

Day 109

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya. Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos. 

Mga Taga-Colosas 2:6‭-‬7 MBB05



English:

6 So then, just as you received Christ Jesus as Lord, continue to live your lives in him, 7

rooted and built up in him, strengthened in the faith as you were taught, and overflowing

with thankfulness.

Colossians 2:6-7 NIV



******

Ang pagtanggap natin sa ating Panginoong Hesus ay ang pakikipagkaisa natin sa Kanya. Talikdan na natin ang mga liko nating gawa at mamuhay ng naayon sa kalooban ng ating Panginoon. Maging karapat-dapat tayo sa Kanyang banal na paningin at magpatuloy sa paglago ng ating pananampalataya sa Kanya.

Maging matatag tayo at panghawakan ang Kanyang mayayamang salita sapagkat ang mga pangako Niya ay tunay at tapat. Anuman ang mga maging sitwasyon natin sa buhay, sa kahirapan man o sa kasiyahan ay manatili tayong tapat sa ating Panginoon. Hinding hindi tayo mapapahamak sapagkat Siya ang Diyos nating buhay na makapangyarihan sa lahat. Kaya't ang papuri't pasasalamat ay sa Kanya lamang Ngalan. 

#GodBlessUs😇❤

#day109 ❤

#ToGodBeTheGlory

#KeepUsSafe


============================


Day 110

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. 

Mga Taga-Efeso 4:32 MBB05



English:

Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you.

Ephesians 4:32 NIV




******

May kanya kanya tayong pamantayan at pananaw patungkol sa pakikisalamuha at pakikipagkapwatao. Kadalasan ay heto ang ating nagiging pananaw "Mabait tayo sa mga mababait sa atin ngunit masama tayo sa mga masasama rin sa atin." Hindi ganito ang nais ng Diyos sa atin na maging batayan ng pakikipagkapwatao.

Hindi man lahat ng tao ay parepareho ng pag-uugali ngunit kung ating susundin ang mga payo at aral ng ating Panginoon, matututo tayo ng tamang pakikisalamuha sa lahat ng tao. Maaring may mga ilan na hindi gusto ang ating pag-uugali gayundin din naman tayo sa iba, ngunit hindi ito ang batayan upang hindi maging mabuti sa kapwa.

Kung tayo man ay may mga nakakasamaan ng loob o galit sa ating kapwa atin itong ilapit sa ating Panginoon. Sapagkat hindi naman natin maiiwasan na hindi maranasan ang magalit sa ating kapwa lalo pa't nakagawa ito ng masama sa atin. Kaya't mas mainam na ilapit natin ito sa Panginoon at ihingi ng tulong na matutong magpatawad gaya ng pagpapatawad Niya sa ating mga kasalanan.

Ninanais ng Panginoon na makapamuhay tayo ng naayon sa Kanyang kalooban. Maging halimbawa Siya ng kabutihan at pag-ibig sa bawat is sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day110 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now