Day 315 & 316

34 1 0
                                    

Day 315

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. 

Mateo 6:1 MBB05



English:

"Be careful not to practice your righteousness in front of others to be seen by them. If you do, you will have no reward from your Father in heaven.

Matthew 6: 1 NIV




***********

Ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa ay mainam at may kaakibat na gantimpala mula sa ating Panginoon. Ngunit gaya ng nasasabi pag-ingatan natin ang lahat ng ating mga ikinikilos at sinasabi sapagkat kung hindi tunay at totoo ang mga ipinakikita natin sa ating kapwa, magiging pananagutan natin ito sa ating Panginoon.

Ang pagpapalang inaasam natin ay hindi natin makakamtan kung nakikita ng Diyos na hindi bukal sa ating puso ang ating mga ginagawang kabutihan para sa ating kapwa. Hipokrito ang ganitong uri ng tao. Malinlang man niya ang tao ngunit hinding hindi ang ating Panginoon na Siyang nakakakita at nakakatalastas ng ating puso't isipan.

Kaya't maging bukal nawa sa ating puso ang paggawa natin ng mabuti sa ating kapwa, liham man ito o hayag. Ang Diyos namanbnatin na Siyang nakakakita sa ating lahat ang Siyang magbabalik ng lahat ng pagpapala at gantimpala ayon sa ating mga gawa.

#GodBlessUs😇❤

#day315 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 316

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos. 

Mikas 6:8 MBB05


English:

He has shown you, O mortal, what is good.
And what does the Lord require of you?
To act justly and to love mercy
and to walk humbly with your God.

Micah 6:8 NIV



***********

Ang lahat ay itinuro na sa atin ng Diyos lalo na sa kung ano ang mabuti. Kung ano ang mg nararapat nating gagawin at isapamuhay. Ang isa sa Kanyang mga ninanais ay ang pagiging makatarungan. Maging makatarungan tayo sa lahat ng oras.

Huwag tayong mananangi sa kung sino lamang ang ating gustong mahalin. Hindi iyan ang gusto mg Diyos ninanais Niya na maghari sa ating buhay ang pag-ibig sa isip, salita at gawa para sa ating kapwa. Sa Panginoon tayo ay pantay-pantay walang mahirap at walang mayaman, walang tanyag at walang hamak kung kaya't maging halimbawa nawa ang pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin. 

Magpakumbaba parati sa ating Panginoon at sundin ang lahat ng mga utos at aral Niya sa bawat isa sa atin. Lalo't higit ay kilalanin at tanggapin ang Panginoong Hesus bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas. 

#GodBlessUs😇❤

#day316 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now