Day 363 & 364

29 0 0
                                    

Day 363

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin. 

Mga Awit 55:22 MBB05



English:

Cast your cares on the Lord
and he will sustain you;
he will never let
the righteous be shaken.

Psalms 55:22 NIV




***************

Ang lahat ng ating mga pinagdadaanang suliranin maliit man ito o malaki ay sa Panginoong Diyos natin ito isuko at ipagkatiwala. Makakaasang gaano man kabigat at kahirap ay Kanyang bibigyang kasagutan. Tutulungan Niya tayo sa lahat ng ating mga dinadalang suliranin at ang pagkilos at pagtulong Niya ay higit pa sa ating mga inaakala. 

Aalalayan Niya sa mga pasya at solusyon na ating dapat gawin gayundin naman ay ipagtatanggol Niya sa lahat ng oras ang mga taong matutuwid at mga nananalig at nagtitiwala sa Kanya ng lubos. Kaya't magalak at magpuri sa ating Panginoon ang lahat ng mga taong matutuwid at namumuhay ng naayon sa Kanyang kalooban sapagkat ang presensya ng ating Panginoon ay laging sasakanya hindi Niya ito bibiguin.

#GodBlessUs😇❤

#day363 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 364

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin.

Mikas 7:7 MBB05




English:

But as for me, I watch in hope for the Lord,
I wait for God my Savior;
my God will hear me.

Micah 7:7 NIV



*************

Sa lahat ng mga nangyayari sa ating buhay, puno man ng kalungkutan, o kaligayahan, kasawian o katagumpayan man, maging sa hirap at dusa ang lahat ng ito ay ating ipagkatiwala at ipagpasalamat sa ating Panginoon. Huwag tayong manghinawa sa pananalig at pananampalataya natin sa ating Panginoong Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat. 

Buong puso natin Siyang pagkatiwalaan at panaligan at makakaasa tayong, tayo'y Kanyang ililigtas at sa ating mga hinaing at dalangin. Kaya't buong pagtitiwala natin Siyang hintayin sa panahon ng ating mga pangangailangan at makakaasang hinding hindi Niya tayo bibiguin bagkus ay diringgin Niya ang pag-asa at dalangin sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day364 ❤

#ThankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now