Day 171 & 172

28 1 0
                                    

Day 171

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. 

Mga Awit 103:13 MBB05




English:

As a father has compassion on his children,

so the Lord has compassion on those who fear him;

Psalm 103:13 NIV



******

Ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang ama sa kanyang anak ay di natin kayang sukatin. Dama niya kung may bumabagabag sa kanyang mga anak, batid niya kung may problema at pinagdadaanan sa buhay ang kanyang mga anak. Kanyang ginagabayan at pinpoprotektahan. May kakulangan man sa ibang bagay ngunit sa Kanyang mga anak ay hindi nagkukulang. 

Kalarawan ito ng isang butihing ama, tulad at higit na kagaya ng ating butihing Ama na nasa langit. Alam Niya at nababatid ang lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay. Ang habag at awa Niya sa atin ay ating madarama. Iniingatan at ginagabayan, kasakasama natin Siya sa tuwi-twina.

#GodBlessUs😇❤

#day171 ❤

 #ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

#happyfathersday 👨❤


=====================================


Day 172

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit ugali ng tao ay makikilala sa gawa araw-araw.

Mga Kawikaan 27:21 MBB05




English:

Fire tests the purity of silver and gold,

but a person is tested by being praised.

Proverbs 27:21




*******

Makikilala natin kung anong kalse ng ugali o pagkatao meron ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang gawa. Malilinlang ang tao kung sa bulaklak ng pananalita tayo magbabase sa kanyang pagkatao. Kaya't madalas ay marami ang mga naloloko o nalilinlang ng mga mapanamantalang tao.

Mayroon din naman na sa panahon ng pagsubok o problema sa buhay lumalabas ang tunay na ugali at pagkatao ng isang tao. May mga mabubuti tao sa ating paningin ang mga nagiging masama o hindi natin aakalain na magagawa ng isang taong kilala nating mabuti.

Mayroon din naman na kapag nasa kasagsagan ng kasaganahan o karangyaan at marami pang iba. Sapagkat sa tugon ng tao sa pangyayari, maging anuman ang sitwasyon niya sa buhay, ito ay sumasalamin sa katangian ng isang tao.

#GodBlessUs😇❤

#day172 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now