Day 179 & 180

23 1 0
                                    

Day 179

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At sinabi niya sa kanilang lahat, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan." 

Lucas 12:15 MBB05



English:

Then he said to them, "Watch out! Be on your guard against all kinds of greed; life does not consist in an abundance of possessions."

Luke 12:15 NIV



******

Mag-ingat tayo! Iba't-ibang uri meron ang kasakiman, na hindi natin nalalaman na nilalamon na tayong mga tao ng kasakiman. Kayamanan ang basehan nating mga tao para makuha ang kapangyarihan, karangalan at katanyagan sa buhay.

Ngunit hindi ganito ang basehan ng Diyos, ang lahat ng ito ay pawang palamuti lamang sa ating katawan. Hindi natin ito madadala sa ating paglisan sa mundong ito. Ito ay mga tukso lamang na magdadala sa atin ng kasamaan at kasalanan.

#GodBlessUs😇❤

#day179 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


====================================


Day 180

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. 

Santiago 1:2‭-‬4 MBB05




English:




********

Sa panahon ng mga pagsubok mas makikita sa atin ang tibay ng ating pananampalataya sa Diyos. Katibayan na magpapatibay ng paniniwala at pagtitiwala sa ating pananampalataya sa ating Panginoon. Kaya't buong puso nating tanggapin at magalak sa tuwing nakasusumpong tayo ng mga pagsubok. Sapagkat sa bawat pasubok na ating kinkaharap ay mas napapatunayan natin ang pagkilos at pagtulong ng Diyos sa ating buhay.

Ipinapakita ng Diyos sa atin ang Kanyang pagtugon sa lahat ng ating mga hinaing at dalangin. Batid Niya ang kinakaharap natin, kaya't makakaasa tayong sa panahon ng pagsubok sa buhay na dumarating sa atin ay may Diyos na Siyang tutulong sa atin. Magtiwala lamang tayo sa Kanya ng lubusan at wag mag-alinlangan. Maging matatag at matibay nawa tayo sa ating pananampalataya sa ating Panginoong Diyos hanggang dulo at walang pagkukulang. 

#GodBlessUs 😇

#day180 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now