Day 281 & 282

44 0 0
                                    

Day 281

Tagalog:

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Tagalog:

Tayong malalakas sa pananampalataya, tulungan natin ang mga mahihina sa pananampalataya. Huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating iisipin. Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa ikalalakas ng kanyang pananampalataya. Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, "Ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan." 

Mga Taga-Roma 15:1‭-‬3 MBB05




English:

We who are strong ought to bear with the failings of the weak and not to please ourselves. 2 Each of us should please our neighbors for their good, to build them up. 3 For even Christ did not please himself but, as it is written: "The insults of those who insult you have fallen on me."

Romans 15:1-3 NIV



********* 

 Ang sinumang mahina sa pananampalataya ay tulungan ng mga malalakas at matibay ang pananampalataya sa ating Panginoon. Lalo na sa panahon natin ngayon na walang katiyakan sa bukas na kakamtin. Ang kailangn ng bawat isa ay ang pagtutulungan at pagdadamayan. Magpalakasan ng pananampalataya upang maging matatag at matibay ang pananampalataya sa ating Panginoon.

Huwag maging makasarili at huwag kapakanan ng sarili lamang ang ating isipin. Ating isaip ang mga kapakanan ng ating kapwa, magpakababa at maging matulungin. Ating tulungan ang mga nanghihina sa abot ng ating makakaya at huwag maging dahilan ng kabiguan ng pananampalataya nila sa ating Panginoon.

Tandaan natin na maging Panginoong Hesus man ng Siya ay naparito sa lupa ay nagpakababa,d dumanas ng hirap at dusa ng dahil sa atin. Iniligtas Niya tayo at tinulungan na mapatawad sa ating mga kasalanan. Tinulungn Niya tayo na magtiwala at manampalataya ng buong puso sa ating Panginoon. Tinuruan Niya tayo na mamuhay ayon sa kalooban ng ating Panginoon. Kaya't tayo nawa ay maging katulad Niya na naging magandang halimbawa at patotoo sa mga nararapat nating gawin dito sa lupa ng naaayon sa ikaluluwalhati ng ating Panginoon. 

#GodBlessUs😇❤

#day281 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 282

Tagalog:

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Tagalog:

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Mga Taga-Colosas 3:16 MBB05





**********

Maghari nawa sa mundong ito ang mga salita at aral ng ating Panginoong Hesus. Mangyaring manatili sa ating mga puso ang aral at turo Niya sa ating puso't-isipan. Magtulungan tayo sa mga panahon ng pangangailangan ng tulong ng ating kapawa lalo't higit sa ating mga kapwa mananampalataya.

Magpaalalahanan tayo bilang mha magkakapatid kay Kristo kung nakikita natin na nagkakamali na sila sa kanilang mga sinasabi at ginagawa. Buong puso tayong manangan sa ating Panginoon upang hindi tayo mahiwalay sa Kanyang kaluwalhatian.

Papurihan natin Siya at dakilain sapagkat ito ang nararapat na gawin natin sa ating Panginoon. Kaybuti ng Diyos kaya't buong puso natin Siyang awitan ng may pasasalamat. Purihin Siya, papurihan magpakailanman.

#GodBlessUs😇❤

#day282 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن