Day 89 & 90

40 2 0
                                    

Day 89

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.Mga Taga-Roma 6:23 MBB05


*****

Lahat tayo ay mga makasalanan, wala ni isa sa atin ang hindi nagkasala. Ganun pa man dahil tayo ay lubos na minamahal ng Diyos, pinibigyan pa rin Niya tayo ng pagkakataon na magbago at lumapit sa Kanya. Ibinigay ng Diyos sa atin ang Panginoong Hesu-Kristo upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay maliligtas.

Ang dugo ng ating Panginoong Hesus ang Siyang nabubo upang tayo ay matubos sa ating mga kasalanan. Siya ang nagbayad at nagdusa sa mga kasalanan na dapat ay sa atin. Kaya't huwag nating ipagwalang bahala ang pagbayubay ng ating Panginoong Hesus doon sa bundok ng kalbaryo upang maligtas ka at ako at tayong lahat sa ating nga kasalanan.

Sapagkat ipinagkaloob na sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan, atin na lamang iyong tanggapin. Tanggapin at kilalanin natin ang ating Panginoong Hesus na Siyang Diyos at tagapagligtas.

#GodBlessUs😇❤

#day89 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


================================


Day 90

Tagalog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog

Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.Mga Taga-Galacia 2:20 MBB05


*****

Ang pagkamatay ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay Siyang kabayaran ng ating mga kasalanan upang maligtas ako, ikaw at lahat tayo. Dahil sa sakripisyo ng ating Panginoong Hesus tayo ay natubos sa ating mga kasalanan. Kaya't ang ating marapat na gawin ay kilalanin at tanggapin ang ating Panginoong Hesus bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas sa pamamagitan ng tubig ng bautismo na Siyang pakikipagkaisa natin kay Kristo.

Hindi na tayo ang nabubuhay sa ating mga sarili kundi ang ating Panginoong Hesus na. Bagamat tayo ay nabubuhay pa sa katawang lupa ay mamuhay tayo ng may pananalig at pananampalataya sa Kanya(Hesus). Huwag nating ipagwalang bahala ang sakripisyo Niya sa bawat isa sa atin upang tayo ay maligtas.

Sapagkat ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay wagas at walang kapantay. Gamitin natin nawa ang ating buhay upang kapakinabangan at pagpapala din naman sa iba na mga hindi pa nakakakilala sa ating Panginoong Hesus. 

#GodBlessUs😇❤

#day90 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now