Day 249 & 250

25 3 0
                                    

Day 249

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho, dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, 'Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.'"

Mga Gawa 20:35 MBB05



English:

In everything I did, I showed you that by this kind of hard work we must help the weak, remembering the words the Lord Jesus himself said: 'It is more blessed to give than to receive.' "

Acts 20:35 NIV




**********

Ang mga taong kumakapa sa kapwa at marunong umunawa sa mga lubos na nangangailangan, gayundin ang pagtulong dito ay pagpapalain ng Diyos na Siyang nakakakita ng lahat. Higit ngang mapapalad ang mga mapagbigay dahil ang puso niya ay mapagbigay ng sagayon ay magpatuloy siya sa pagbibigay.

Huwag tayong magsawang tumulong lalo't higit sa mga nangangailangan nito. Palakasin natin ang kalooban ng mga taong nanghihina, tulungan ang lubos na nangangailangan nito. Ang ating Diyos naman na Siyang nakakakita ng lahat ang Siyang magbabalik sa atin ng lahat ng kabutihang ating ginawa dito sa lupa.

#GodBlessUs😇❤

#day249 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===================================


Day 250

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampas-lupa. 

Mga Awit 37:25 MBB05




English:

I was young and now I am old,

yet I have never seen the righteous forsaken

or their children begging bread.




**********

Sa mga taong tapat na lingkod na Diyos kailanman Siya ay hindi nagpapabaya. Bagama't kinakapos sa mga pangangailangan ngunit hindi tayo pinagkukulang ng Diyos.

Maaring mahirap ang pamumuhay ngunit hindi walang-wala. Maaring dumaranas tayo sa kahirapan ng buhay patungkol sa mga materyal, mga pananalapi, pagkain at marami pang-iba ngunit hindi hinahayaan ng Diyos na tayo ay pabayaan. Ang biyaya Niya ay sapat at hindi nagkukulang sa lahat ng ating mga pangangailangan.

Lahat ng ating mga pangangailangan ay tutugunan ng Diyos higit pa sa ating mga inaasahan. Sapagkat lahat ng Kanyang mga anak ay kanyang iniingatan at ginagabayan hindi Niya hahayaang tayo ay labis na maghirap.

Mahirap man ang pamumuhay ngunit may kapayapaan sa puso't isipan ng mga anak ng Diyos sapagkat nakakatiyak silang hindi sila pababayaan ng Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤

#day250 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now