Day 263 & 264

30 2 0
                                    

Day 263 & 264

Tagalog:

Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Mga Awit 16:11 MBB05



English:

You make known to me the path of life;
you will fill me with joy in your presence,

with eternal pleasures at your right hand.

Psalm 16:11 NIV



********* 

 Kapag tayo ay nasa Panginoon at tayo ay nagpapasakop sa Kanyang kalooban, kailanman ay hindi tayo mapapahamak ni maliligaw man. Ituturo Niya sa atin ang tamang landasin na ating dapat na tahakin. Sa Panginoon ay hindi tayo mapapahamak sapagkat Siya ang gumagabay at umaalalay sa atin.

Sa Kanya lamang natin makakamtan ang tunay na ligaya maging sa panahon man ng pagsubok. Makakaasang ligaya ay makakamtan sapagkat Diyos na buhay ang kasakasama sa lahat ng oras. Kaya't di mangangamba sa pagsuong sa buhay na kakaharapin sapagkat tayo ay nasa pangangalaga at pag-ibig ng ating Panginoong Diyos na buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day263 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 264

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito. 

Santiago 4:7 MBB05




English:

Submit yourselves, then, to God. Resist the devil, and he will flee from you.

James 4:7 NIV





***********

Kaya nga't magpasakop tayo sa kapangyarihan ng Diyos. Upang ating maranasan ang presensya at pagkilos Niya sa ating buhay. Talikdan na natin ang ating mga likong gawa at sikaping mapaglabanan ang mga tukso ng Diyablo na makagagawa ng mga kasalanan.

Sahalip ay paglabanan at iwaksi sa ating puso't-isipan ang mga tukso ng Diyablo na lumalason sa ating pagkataon upang gumawa ng mga pagkakasala. Ang pagpapasakop sa Panginoon ay tungo sa ating mga ikabubuti at ikapagpapatwad sa ating mga kasalanan.

Sa Diyos lamang natin ipagkatiwala ang ating mga sarili sapagkat sa Kanya ay may katiyakan tayo na kaligtasan tungo sa buhay na walang hanggan. Hayaan natin na Siya ang magpatakbo ng atin buhay sapagkat hindi Niya tayo pababayaan at dadalahin Niya tayo sa tamang landasin. Hindi Niya hahayaan na tayo ay maligaw bagkus gabay at pagtulong ang lagi Niyang gawad. 

#GodBlessUs😇❤

#day264 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now