Day 309 & 310

28 0 0
                                    

Day 309

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!" 

Juan 16:33 MBB05



English:

"I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world."

John 16:33 NIV




************

Dito sa mundong kahit tayo'y mga anak ng Diyos hindi tayo exempted sa mga pagsubok na meron sa mundong ito. Karamdaman, kaguluhan, at samu't saring problema na wala tayong katiyakan o kasiguruhan kung atin ba itong malalampasan. Ganun pa man ay magtiwala tayo sa ating Panginoong Hesus at hindi Niya tayo bibiguin.

Bibigyan Niya tayo ng kalakasan upang mapaglabanan natin ang iba't-ibang hamon ng buhay. Sa Kanya lamang natin makakamtan ang kapayapaan ng puso't-isipan kung tayo ay mananangan sa Kanya. Kaya't anuman pa ang ating bukas na kakaharapin, may lakas tayo upang patuloy mapagtagumpayan ang mundong ito.

#GodBlessUs😇❤

#day309 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===========================================


Day 310

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 

Mga Taga-Filipos 4:7 MBB05


English:

And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.

Philippians 4:7 NIV



*********

Ang pakikipag-isa sa ating Panginoong Hesus ay magkakamit ng kapayapaan sa ating puso't-isipan. Mararanasan natin ang kaloob Niyang kapayapaan na hindi kayang unawain nating mga tao kung paano ito nangyayari sa lahat ng mga nakikipag-isa sa ating Panginoong Hesus. 

 Dumanas man tayo ng hirap, sakit at iba't-ibang pagsubok sa buhay, hindi tayo mababagabag ni mawawalan man ng pag-asa sapagkat ang Panginoong Hesus ang Siyang magbibigay sa kapayapaan na ating kailangan. Maingatan ang ating puso't-isipan upang makapamuhay sa tamang landasin dito sa lupa at makamit ang buhay na walang hanggan.

#GodBlessUs😇❤

#day310 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now