Day 63 & 64

59 5 0
                                    

Day 63

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. 

Mga Taga-Filipos 2:3‭-‬5 MBB05



English:

3 Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, 4 not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.

5 In your relationships with one another have the same mindset as Christ Jesus:

Philippians 2:3-5 NIV



******

Ang pagpapakumbaba ang isa sa katangian ng ating Panginoong Hesus na ninanais Niya na maging pag-uugali natin bilang mga mananampalataya Niya. Masundan nawa ang yapak ng ating Panginoon at ang paghahangad ng katanyagan ay nagdudulot ng kapahamakan. Hindi naman masama ang maghangad na umangat sa buhay ngunit ang kalabisan ay nagtutulak ng paggawa ng masama sa paghahangad nito. 

Kaya't ang pagpapakababa ay ating pag-ugaliin sapagkat ang ating Ama na nasa langit ang Siyang magtataas sa atin. Mahirap o mayaman o maging anuman ang estado ng buhay ng tao ay ituring pa rin natin na mababa tayo kaysa sa kanila. 

Ang pagmamalasakit sa kapwa ay ating unahin. Maging gabay nawa natin ang mga aral at gabay ng ating Panginoong Hesus upang mapagtagumpayan natin ang mga hamon ng sanlibutang ito. 

 #GodBlessUs😇❤ #day63 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

============================


Day 64

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.

Mga Awit 25:8 MBB05





English:

Good and upright is the Lord;

therefore he instructs sinners in his ways.

Psalms 25:8 NIV



******



Napakabuti ng ating Diyos. Siya ay makatarungang Diyos, patas humatol sa sinuman sa atin. Patuloy na itinutuwid ng ating Panginoon, tayong lahat na mga makasalanan. Lahat ng mga aral at turo Niya sa atin ay upang tayo ay hindi mapahamak at ating daanan ay ang tamang landas.

Hindi nanghihinawa ang ating Panginoon sa pagbibigay sa atin ng mga pagkakataon na magbago. Patuloy Siyang kumakatok sa ating puso upang papasukin natin Siya at tanggapin ang turo at aral Niya. Papasukin nawa natin Siya sa ating puso at kilalanin bilang ating Diyos na makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤
#day64 ❤
#ToGodBeTheGlory
#KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now