Day 73 & 74

50 4 0
                                    

Day 73

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. 

Habakuk 3:18 MBB05



English:

yet I will rejoice in the Lord,

I will be joyful in God my Savior.

Habakkuk 3:18 NIV



*****

Anuman ang kalalagayan natin ngayon sa buhay, nasa gitan man tayo ng mga pagsubok, dalamhati o maging sa kasiyahan, nawa ay kagalakan at kasiyahan pa rin ang maghari sa ating puso. Sapagkat ang Diyos ang Siyang magliligtas at magkakalinga sa atin. 

Mabigat man ang ating mga pinagdadaanan sa ngayon, sa ating Panginoon natin ito ilapit at ipagkatiwala sapagkat sa Kanya ay walang hindi Siya kayang gawin. Sapagkat ang buhay dito sa lupa ay nakaakibat na ating maranasan ang mga kahirapan at pangyayaring masakit sa ating kalooban. 

Maaring may mga bagay na mawawala sa atin o maging mga pangarap na hindi natin nakakamit ay maarin pa rin tayong magsaya o magalak katulad ni Habakuk. Dahil sa tiwala at relasyon Niya sa ating Panginoon, ang kagalakan sa kanyang puso ay hindi mapapawi sapagkat siya ay nagtitiwala na ang ating Panginoong Diyos ang Siyang tutulong at magliligtas sa atin. 

 #GodBlessUs😇❤ 

 #day73 ❤

 #ToGodBeTheGlory 

 #keepUsSafe

==============================

Day 74

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya, 'Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina, hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya.

Mga Gawa 2:25 MBB05



English:

David said about him:

"'I saw the Lord always before me.

Because he is at my right hand,

I will not be shaken.

Acts 2:25 NIV




*****

Magkaroon nawa tayo ng pananampalataya na katulad ni haring David. Siya ay nagtitiwala ng lubusan sa ating Panginoon. Hindi siya natitinag sapagkat kanyang pinanghahawakan ang pagmamahal at presensya ng ating Panginoon.Magkaroon nawa tayo ng pananampalataya na kawangis ng kay David.

Nasa ibang henerasyon man tayo ngayon ngunit ang Panginoong Diyos kahit kailanman ay hindi nagbabago. Siya ay kagaya noon, ngayon at hanggang sa mga susunod na saling lahi. Sapagkat sa ating Panginoon ay may katiyakan na hindi niya tayo pababayaan. 

#GodBlessUs😇❤

#day74 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now