Day 139 & 140

31 2 0
                                    

Day 139

Day 139

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Tagalog:

Sumagot siya, "Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayo'y may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Lumipat ka roon!' at ito'y lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa." 

Mateo 17:20‭-‬21 MBB05



English:

20 He replied, "Because you have so little faith. Truly I tell you, if you have faith as small as a mustard seed, you can say to this mountain, 'Move from here to there,' and it will move. Nothing will be impossible for you." [21] 

Matthew 17:20-21 NIV




*****

Kung tayo ay nagtitiwala sa ating Panginoon, nakatitiyak tayong lahat ng mga bagay ay kaya Niyang mapangyari sa ating buhay. Ang mga imposible ay kayang kayang gawing posible ng pananampalataya natin sa Diyos.

Malaki ang nagagawa ng pananampalataya sa mga taong tapat at tunay na naniniwala sa Diyos. Lahat ng mga salita at pangako Niya ay mapanghahawakan nating lubosan.

#GodBlessUs😇❤

#day139 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


==================================


Day 140

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad. 

Mga Kawikaan 19:17 MBB05






*******

Ang simpatya at awa ng Diyos ay laging nasa mahihirap sapagkat batid Niyang higit itong mas nangangailangan ng tulong tulad ng mga materyal na bagay, pananalapi at lalo't higit ay pagkain na kailangan nila sa araw-araw. Ang Diyos na Siyang nakakakita ng lahat ng ating mga ginagawa ang Siyang magpapala sa mga taong walang sawang pagtulong sa mga mahihirap. 

Ang Panginoon ang Siyang magbabayad ng lahat ng ating mga tulong sa mga mahihirap. Hindi man sa ngayon ang balik nito ngunit maaring sa panahong ikaw naman ang lubos na mangangailangan. Kaya't mag-impok tayo ng kabutihan sa ating kapwa lalo't higit ang pagtulong sa ating mga kapwa na mahihirap sapagkat ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ang magpapala at magbabalik ng lahat ng ating mga ginawa.

#GodBlessUs😇❤

#day140 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe



_______________

P.S: 

Sorry for the late update.,  

always keep safe and healthy po sa ating lahat! God bless us. :)

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now