Day 47 & 48

58 5 0
                                    

Day 47

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 

1 Mga Taga-Corinto 13:4 MBB05 



English:

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.

1 Corinthians 13:4 NIV




****** 

 Paghariin natin ng pag-ibig sa ating puso sapagkat ang pag-ibig ang nagiging bunga ng kabutihan ng isang tao. Ang pag-ibig ay matiyaga, masugid na naghihintay na walang sama ng loob. 

 May magandang-loob, higit pa sa kagalagalang, isinasaalang-alang ang ikabubiti ng iba kaysa sa kanyang sarili. Hindi maiinggitin ni mapagmataas man ang taong may pag-ibig bagkus kanyang ikinagagalak ang kasiyahan at tagumpay na meron ang iba. 

 Sapagkat ang pag-ibig ang pumapawi at nag-aalis ng mga balakid na naghahandlang sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. 

 #GodBlessUs😇❤ #day47 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

=============================


Day 48

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan, 

Zefanias 3:17 MBB05 



English:

The Lord your God is with you, the Mighty Warrior who saves. He will take great delight in you; in his love, he will no longer rebuke you, but will rejoice over you with singing."

Zephaniah 3:17 NIV


 ****** 

 Kapag buong puso tayong nagtitiwala sa ating Panginoon, mararanasan natin na Siya ay kasakasama natin. Anuman ang ating ginagawa ay nakabantay Siya at nakaalalay. 

Ang tanging ninanais lamang ng ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat ay ang lumapit sa Kanya at kilalanin Siya bilang Diyos na buhay na makapangyarihan sa lahat. 

Minamahal Niya tayo at ninanais Niya na makita at madama natin na Siya ang matibay nating tanggulan, tagapag-ingat at ginagabayan Niya tayo sa lahat ng oras. Kaya't laking galak ng ating Panginoon kung tayo ay sasa Kanya at magtitiwala sa Kanya. Ang tagumpay natin ay lubos na kagalakan ng ating Panginoon. 

 #GodBlessUs😇❤ #day48 #toGodbetheglory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now