Day 41 & 42

64 3 0
                                    

Day 41

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya.

1 Juan 4:16 MBB05 


English:

We know how much God loves us, and we have put our trust in his love. God is love, and all who live in love live in God, and God lives in them.

1 John 4:16 NLT



 ****** 

 Bilang mga nakakakilala at mga anak ng ating Panginoon, nakikita nawa sa atin ang pag-ibig. Hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig, ang nanatili sa Diyos ay mananatili din naman sa Kanya. 

Mahal tayo ng ating Panginoon at mula noon hanggang ngayon ay patuloy Niyang ipinadarama at ipinakikita sa atin ang pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin bago pa natin maipakita ang pagmamahal natin sa Kanya.

Ang pinakamakapangyarihang patotoo ng Diyos sa atin upang maipakita ang Kanyang wagas na pag-ibig ay ang ipagkaloob Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus na Siyang nagtubos ng lahat ng ating mga kasalanan. Kaya't kung tayo ay nabubuhay ng may pagtitiwala sa relasyon natin sa Diyos ay buong puso natin Siyang pananaligan ayon sa Kanyang katotohanan. 

#GodBlessUs😇❤ #day41 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe


=============================


Day 42

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang siyang katuparan ng Kautusan. 

Mga Taga-Roma 13:10 MBB05 



English:

Love does no wrong to others, so love fulfills the requirements of God's law.

Romans 13:10 NLT



 ****** 

 Kapag may pag-ibig sa ating puso hindi tayo makakaisip ni makakagawa man ng masama sa kahit kaninuman. Kaya't magkaroon nawa tayo ng pag-ibig kagaya ng pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa atin. 

Maging ganap nawa ang pag-ibig sa ating puso at lumakad ayon sa espiritu at katotohanan. Nang sa gayon ay makapamuhay tayo ng may pag-ibig. Sapagkat ang pag-ibig ang katuparan ng kautusan.

 #GodBlessUs😇❤ #day42 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now