Day 127 & 128

36 4 0
                                    

Day 127

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.

Mga Taga-Roma 5:4 MBB05




English:

And endurance develops strength of character, and character strengthens our confident hope of salvation.

Romans 5:4 NLT




*******

Maging matiyaga tayo sa lahat ng oras. Anuman ang mga ninanais o binabalak nating gawin ay maging matiyaga tayo at wag mapanghihinaaan ng kalooban. Kapag may tiyaga tayo nagpapakita ito ng katatagan. Nabibigyan ng katwiran na may kapayapaan sa pamamagitan ng ating Panginoong HesuKristo.

Dahil sa katatagan nahuhubog nito ang ating pagkatao at nabibigyan tayo ng kumpyansa upang maging matatag at matibay bilang isang tao. Ang pag-asa sa ating puso ay hindi mawawala bagkus ay hindi tayo mauubusan ng pag-asa sa buhay lalo pa sa tulong at gabay ng ating Panginoon. Kaya't huwag tayong manghinawa sa pagiging matiyaga.

#GodBlessUs😇❤

#day127 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===============================


Day 128

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan. 

Santiago 3:13‭-‬18 MBB05




English:

True Wisdom Comes from God

13 If you are wise and understand God's ways, prove it by living an honorable life, doing good works with the humility that comes from wisdom.  14 But if you are bitterly jealous and there is selfish ambition in your heart, don't cover up the truth with boasting and lying. 15 For jealousy and selfishness are not God's kind of wisdom. Such things are earthly, unspiritual, and demonic. 16 For wherever there is jealousy and selfish ambition, there you will find disorder and evil of every kind. 17 But the wisdom from above is first of all pure. It is also peace-loving, gentle at all times, and willing to yield to others. It is full of mercy and the fruit of good deeds. It shows no favoritism and is always sincere. 18 And those who are peacemakers will plant seeds of peace and reap a harvest of righteousness.

James 3: 13-18 NLT



*******

Ito ang dalawang uri ng karunungan. Ang kaloob ng Diyos at ang kaloob ng sanlibutan o diyablo. 

Ang karunungan at kaunawaan ay kaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin, hindi lamang ito karunungang intelektwal na katalasan ng isip ngunit maging sa ating mabuting pag-uugali. Maging halimbawa tayo ng wastong pamumuhay ng naayon sa kaloob Niya. Namumuhay ng malinis, kapayapaan ang iniibig, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Ito ang mga kaloob ng Diyos na karunungan at kaunawaan upang makapamuhay tayo ng naayon sa Kanyang kalooban.

Maari tayong magkamit ng karunungang kaloob ng Diyos kung atin itong naisasapamuhay at naipapakita ang mabuting pag-uugali sa pamamagitan ng kahinahunan. Kaya't itong yakapin at huwag iwaksi ang tunay at totoong karunungang kaloob ng Diyos sa atin.

Ang pagkainggit at makasariling hangarin ang kaloob ng sanlibutan at ng diyablo. Ang inggit ay ang paghahangad ng mga bagay o katangian na meron ang kanyang kapwa. Pagkamakasariling hangarin na naghahangad na makamtan o makuha ang bagay na kanyang pinagkakainteresan. Hindi natin ito dapat na maipagmayabang.

Malaman natin nawa ang totoong karunungan na mula sa Diyos hindi kaalamang inaalok ng mundong ito.

#GodBlessUs😇❤

#day128 ❤

#toGodbetheglory 

#keepUsSafe


365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now