Day 217 & 218

36 3 0
                                    

Day 217

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

Santiago 2:17 MBB05 



English:

So you see, faith by itself isn't enough. Unless it produces good deeds, it is dead and useless.

James 2:17 NIV




 *******

Balewala ang pananampalataya natin sa Diyos kung wala naman itong kalakip na gawa. Wala ring kabuluhan ang pananampalataya nating ito sa Diyos. Kaya't sa Diyos tayo magtiwala ng buong puso at pagkatiwalaan ang pagkilos Niya sa ating buhay. Anuman ang ninanais Niyang gawin ay atin itong sundin sapagkat lahat ng ito ay sa ating mga ikabubuti.

Nasisiyasat ng Diyos ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga salita, nababatid Niya kung may kalakip na gawa ang mga sa Kanya ay nanampalataya. Kanyang iingatan, gagabayan at pagpapalaing lubusan ang mga taong sumusunod at nanampalatayang tunay sa Kanya. 

#GodBlessUs😇❤

#day217 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==================================


Day 218

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo. 

1 Pedro 5:7 MBB05




English:



*********

Anuman ang ating mga alalahanin, problema o pagsubok at pangamba o takot sa buhay, atin itong ipagkatiwala sa ating Panginoon. Sapagkat hindi tayo bibigyan ng Diyos ng mga pagsubok na hindi natin kaya.

Ipagkatiwala natin itong lubos sa ating Panginoong Hesus. Kilalanin natin at tanggapin Siya bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas sapagkat Siya lamang ang tunay na makatutulong at makapagliligtas sa ating buhay at maging sa kabilang buhay.

Siya ay Diyos na banal, dakila at walang kapantay, kapag sa Kanya tayo nanangan ang lahat ng ating mga pangamba at takot sa buhay ay Kanyang papawiin. Magkakaroon tayo ng lakas ng loob na kaloob ng Diyos upang ang lahat ng ating mga alalahanin, problema o pagsubok man ay ating mapagtagumpayan.

Mahal tayong lahat ng ating Panginoong Hesus, Siya ay nagmamalasakit sa bawat isa sa atin. Kaya't papasukin natin Siya sa ating puso at pagkatiwalaan Siyang lubusan ng sagayon ay maranasan natin at madama ang Kanyang pag-ibig at pagmamahal sa bawat isa sa atin. 

#GodBlessUs😇❤

#day218 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now