Day 353 & 354

33 1 0
                                    

Day 353

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: "Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas." 

Isaias 25:9 MBB05




English:

In that day they will say,

"Surely this is our God;
we trusted in him, and he saved us.
This is the Lord, we trusted in him;
let us rejoice and be glad in his salvation."

Isaiah 25:9 NIV





****************

Manatili tayo sa ating Panginoon sa habang panahon. Anuman ang maging sitwasyon ng ating buhay ay nababatid Niya, alam Niya ang lahat ng mga kaganapan na nangyayari sa ating buhay. Lahat ng mga paghihirap at pagdurusa ay pinahihintulutan ng Diyis na ating maranasan upang sa ganun ay mas tumibay at mas tumatag ang ating pananampalataya sa ating Panginoon. 

Magkakaroon tayo ng pag-asa sa ating puso at kagalakan sapagkat nalalaman natin na tanging Siya lamang ang makapagliligtas at maasahang tunay sa lahat ng sandali ng ating buhay. Kaya't buong pagmamalaki at pagkilala natin Siyang pasalamatan at maitaas ang Kanyang pangalan sa kabutihan at pag-ibig Niya sa bawat isa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day353 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===============================================


Day 354

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob." 

Deuteronomio 31:8 MBB05 



English:

The Lord himself goes before you and will be with you; he will never leave you nor forsake you. Do not be afraid; do not be discouraged."

Deuteronomy 31: 8 NIV





 ************

Mula noon hanggang ngayon at sa mga susunod na saling lahi ang Panginoon ay hindi nagpaabaya sa lahat ng sa Kanyang mga anak na nagtitiwala sa Kanya ng lubos. Hindi Niya bibiguin ang pag-asa na mayroon tayo sa Kanya. Mapanghahawakan at mapananaligan ang Kanyang mayayamang salita at pangako sa bawat isa sa atin. 

Kaya't huwag na tayong mag-alinlangan pa sa Kanya bagkus ay buong puso natin Siyang pagkatiwalaan at panaligan sa lahat ng oras. Huwag tayong panghinaan ng loob at buong katapatan tayong manangan sa Kanya lamang. Hindi Niya tayo pababayaan kahit kailanman. Manalig at mangan lamang tayo sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤
#day354 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory 

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now